Angel Locsin at Marian Rivera, Magsasama sa Isang Pelikula!

ADVERTISING

Angel Locsin at Marian Rivera, Magsasama sa Isang Pelikula!

Angel Locsin at Marian Rivera, Magsasama sa Isang Pelikula!MASAYANG BALITA ang ipinalabas ng TV Patrol noong Lunes ng gabi. Habang ibinubunyag nila kung sinu-sino ang mga artistang lilipat na sa Kapamilya Network, nabanggit din ang inaayos na pagsasama diumano nina Angel Locsin at Marian Rivera sa isang pelikula.

Dahil dito, agad na-excite ang mga fans (at detractors) ng dalawang bituin. Nag-umpisa ang ‘friendly competition’ ng dalawa nang lisanin ni Angel ang GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN. Dahil dito, nabigyan ng break si Marian Rivera at siya ngayon ang itinuturing na Primetime Queen ng Kapuso Network.

Wala namang personal na bangayan sa pagitan ng dalawa, pero madalas magsalpukan ang kani-kanilang fanbase. Siguradong tiba-tiba ang mga producers ng proyektong ito ‘pag nagkataon!

 

ADVERTISING

HOW TRUE kaya ang tsikang nasagap namin na masama raw ang loob ng mga tagahanga ng PBB housemate-turned-sexy star na si Sam Pinto sa Kapuso Network?

Nagpadala raw sa samu’t saring entertainment writers ang mga fans ng dalaga at nilabas ang kanilang hinaing sa hindi pagkakasali ni Sam sa teaser plug para sa programang Legacy. Sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi at Lovi Poe lang kasi ang lumabas sa primetime plug ng GMA-7 samantalang kasali naman daw sa cast ito at may titulo na ring hinahawakan mula sa isang panlalaking magasin.

Dapat sigurong isipin muna ng mga fans ni Ms. Pinto na kung babasehan ang synopsis ng teleserye, magkakapatid sina Heart, Lovi at Alessandra dito at sila ang tunay na bida ng programa. Isa pa, award-winning celebrities ang tatlong bebot, ‘noh!

 

PAGKATAPOS NG ma-tagumpay na pagganap bilang Mara sa Mara Clara, lumabas ang balitang ang remake ng Judy Ann Santos starrer na Esperanza ang susunod na magiging proyekto ng teen actress na si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN.

Angel Locsin at Marian Rivera, Magsasama sa Isang Pelikula!

Inilabas na ng Kapamilya Network ang kumpirmasyon na hindi na nila itutuloy ang proyektong ito. Matatandaan na sa proyektong ito napatunayan ni Juday na siya ang Young Superstar ng kanyang henerasyon. Siya rin ang kinikilalang Reyna ng Philippine Telenovela.

Walang dapat ikabahala ang fans ni Kathryn Bernardo dahil magbibida pa rin ito sa original teleserye na ‘Always in my Heart’, kung saan pag-aagawan siya nina Daniel Padilla, Khalil Ramos at Enrique Gil. Haba talaga ng hair mo, gurl!

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING