Angel Locsin at Luis Manzano, nagkabalikan na?

ADVERTISING

Angel Locsin at Luis Manzano, nagkabalikan na?

Angel-Locsin-Luis-Manzano Luis-Manzano-Angel-LocsinNGAYONG NAGLALABASAN na sa Instagram at Twitter ang mga larawan nina Luis Manzano at Angel Locsin na sweet na sweet nang mag-guest ang aktres sa ASAP 19 na ginanap sa Dubai kamakailan, kung saan host naman si Luis, marami ang nagsasabi na mukhang nagkabalikan na talaga ang dalawa.

Sa Twitter account din ni Angel, kung saan ipinakita niya ang larawan ni Luis at nasa caption nito na ang ex-boyfriend ang kanyang katabi sa biyahe pauwi sa Pilipinas at mahaba-habang kuwentuhan ang mangyayari, ‘di na namin ikagugulat kung aminin na ng dalawa na may balikan na ngang naganap sa kanila.

Wala naman parehong kasintahan sa ngayon at malaya kung mauuwi sa balikan ang lahat, sa amin lang sana kung anuman ang naging pagkakamali at kulang sa naging relasyon nila Luis at Angel dati, sana ay ‘wag na itong maulit pang muli at maging aral na sa kanila para maging mas maganda ang takbo ng kanilang relasyon sa ngayon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING
ADVERTISING