Angel Locsin at Luis Manzano, dedmahan sa dressing room – Pilar Mateo

ADVERTISING

[ad#post-ad-box]

Angel Locsin at Luis Manzano, dedmahan sa dressing room - Pilar Mateo

Angel Locsin at Luis Manzano, dedmahan sa dressing room - Pilar MateoHINDI RAW MAWAWAAN ni Angel Locsin kung saan na naman nanggaling ang mga balitang diumano, eh, lilipat na siya sa Viva Films sa pangangalaga ni Boss Vic del Rosario at ng anak nitong si Veronique.

ADVERTISING

“Parang ano ba ‘yun? Ako itong galing sa paglipat, eh, lilipat na naman uli? Ang alam ko lang na rason kung bakit madalas sa Viva ang manager kong si Tita Becky (Aguila), eh, dahil din sa mga ‘kapatid’ ko sa management niya na sina Jennylyn (Mercado) and Valerie (Concepcion). Maybe, ‘yun ang isang reason kung bakit may mga nag-akala na pati ako ay ka-join na rin sa mga nine-negotiate roon ni Tita Becky. Who knows in the future, I might do a project with Viva Films?

Pero ang alam ko kasing naka-set na gawin ko is a project with Aga (Muhlach) and sa Star Cinema ‘yon to be directed by Olive Lamasan,” esplika ni Angel.

Dagdag pa ni Angel, masaya siya sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Cinema kaya ni hindi raw sumasagi sa isip niya ang tungkol sa paglipat. Nakatakda na nga raw siyang pumirma ng panibago niyang kontrata.

ADVERTISING

Nananatili pa ring quiet sina Angel at Luis Manzano sa naging break-up nila na si Angel na rin ang nagsabing apat na buwan na rin pala!

Sa nasabing taping nga, nagkasama pa diumano sa isang dressing room sina Angel at Luis. Nasa isang sulok lang si Luis habang abala naman si Angel sa kanyang laging bitbit na laptop para i-check ang mga nagbi-bid sa kanilang Shop and Share page. Hindi nga ba nagkibuan o nag-usap ang dalawa?

May mga reporters na nakakita na nasa iisang silid lang sila. Pero para nga raw deadma lang. Siguro raw nagbatian lang, nagpapakiramdaman lang. Pero parang walang gustong gumawa ng first move!

NA-DEPRESS NAMAN daw si Direk GB Sampedro sa pagkawala ng idinidirek niyang Ruffa & Ai sa ABS-CBN.

Nataon naman ang pagbabalita kay direk na matsutsugi na ang kanyang show nang dumalo siya sa film festival in Korea kung saan in competition ang kanyang pelikulang Astig na nagkamit ng special mention award. Hindi nga raw siya kampante nu’ng una na dumalo sa nasabing kumpetisyon dahil ayaw niyang mag-absent sa kanyang morning show, never pa nga raw siyang lumiban sa nasabing programa. Sa Korea na niya nabalitaan na magtatapos na ito.

Sabi naman namin sa direktor na may iba na namang challenge siyang kakaharapin. Na baka isang soap o komersyal na pelikula na ang naghihintay sa kanya.

“May mga offers naman para sa mga next projects. Kung puwede, why not? Meron akong isang proyektong gustong gawin na siguro ay sasalamin din sa migrant workers. Pero this time, point of view naman ng lalake.”

Isasama ba niya ang kasintahang si Candy Pangilinan in his next project?

“Candy is a good artist. Kung pwede, why not? What I have in mind kasi, eh, tungkol nga sa pinagdaraanang pains and heartaches ng isang lalake. Very true to life? Medyo lang. Ang title ko nga, Separados. Matagal ko na ito nabuo and sana, kung merong producer na susugal-magawa ko.”

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING