Angel Locsin at Luis Manzano, ayaw madaliin ang pagpapakasal

ADVERTISING

Angel Locsin at Luis Manzano, ayaw madaliin ang pagpapakasal

Luis-Manzano-Angel-LocsinNAGKABALIKAN NA nga sina Angel Locsin at Luis Manzano. Ayaw pa sanang ipagmakaingay ng actress ang kanilang relasyon dahil masyado pa raw maaga. Sa sobrang tuwa ng anak ni Gov. Vilma Santos, hindi nito napigilang aminin sa publiko na sila na ngayon uli ni Angel. Maging sa last episode ng game show ng TV host/actor, special guest niya si Angel. Agad-agad nga nagpaunlak ang dalaga kaya’t naging masaya at memorable para dalawa ang last TV game show ni Luis.

Kitang-kita sa kanila,very much in love sila ngayon sa isa’t isa. Iba ‘yung body language na nakikita namin on TV habang naglalaro si Angel, nakamasid lang si Luis.

Maging si Angel ay nagpakatotoo sa sarili nang aminin nito may kakaibang kilig nang muli silang nagkita at nagkausap ng dating ex-boyfriend kahit ikinagagalit ng mga fans ni Phil ang naging pahayag nito. Mahal pa rin niya ang TV host/actor kahit kahihiwalay pa lang ni Angel sa boyfriend niya si Phil Younghusband. Iba raw ‘yung intensity ng pagmamahal niya kay Luis kaysa kay Phill. Ayaw niyang dayain ang sarili at ang publiko sa totoo niyang nararamdaman para sa actor.

Muling niligawan at sinuyo ni Luis si Angel, naging madalas ang kanilang pagkikita. Nagtatawagan at nagte-text kapag hindi sila magkasama. Pinaramdam ni Luis kay Angel kung gaano niya kamahal ang dalaga. Na-realize ng binata na hanggang ngayon, nasa puso pa rin nito ang dating ex-girlfriend kahit naging dyowa niya si Jennylyn Mercado.

ADVERTISING

Palibhasa nakita at naramdaman ni Angel na seryoso si Luis sa panliligaw sa kanya at totoong mahal nga siya nito, hindi na nagpakipot pa ang actress, sinagot agad niya ito uli, for the second time. Marami ang natuwa sa muling pagbabalikan ng dating magka-relasyon. Lalong-lalo na sina Ate Vi at Edu Manzano. Ever since naman, boto ang mga ito kay Angel  para sa kanilang anak. Kung si Edu lang ang masusunod, gusto na niyang mag-asawa si Luis para makita agad niya ang una niyang apo.

Ayon kay Edu, kahit sinong babaeng magustuhan ni Luis, hindi sila tututol ni Gov. Vi. Ang importante, mahal siya ng kanilang anak at mahal nila ang isa’t isa. Kung gugustuhin daw ni Luis na lumagay sa tahimik ay puwedeng-puwede na siyang mag-asawa. Marami na raw itong naipundar, may sariling savings, condo unit, properties in Metro Manila at Batangas. Palibhasa hard-working at marunong humawak ng perang pinaghirapan, masuwerte ang babaeng kanyang mapapangasawa.

Pero para kina Luis at Angel, ayaw muna nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal. Ngayon pa lang daw nagsisimula ang kanilang relasyon. Marami pa silang dapat ma-achieve sa kani-kanilang career. Huwag daw madaliin ang mga bagay-bagay. Enjoy lang muna kung ano ang mayroon sila ngayon. Kailangang makilala muna nilang mabuti ang isa’t isa.

Sabi nga ni Angel, kung talagang kayo, mangyayari ‘yun. Hayaan raw muna natin sila ni Luis na i-enjoy ang kanilang relationship. Marami pa rin siyang pangarap para sa sarili, career at sa kanyang pamilya.

Palibhasa parehong nag-mature as a person, marami silang natutunan sa buhay lalo na pagdating sa relationship. Na-experience nila ang iba’t ibang klase ng pagmamahal na ibinibigay nang kanilang ka-relasyon. Ibang klaseng love relationship ang kina Luis at Jennylyn, ganu’n din ang kina Angel at Phill. Hindi puwedeng i-compare ang relationship nina Luis at Angel sa kanilang past love affairs. Wish namin, huwag na sanang maghiwalay pa sina Angel at Luis, they’re perfect for each other. ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING