Angel Locsin at Chito Miranda, aaminin na ang relasyon?!

ADVERTISING

Angel Locsin at Chito Miranda, aaminin na ang relasyon?!

Angel Locsin at Chito Miranda, aaminin na ang relasyon?!MUKHANG MALABO NANG magkabalikan pa sina Angel Locsin at Luis Manzano – ‘yan ay kung totoo ang balitang nakarating sa amin na ‘more than friends’ na ang relasyon ng #1 sa Sexiest Women ng FHM kay Chito Miranda. Sabi pa ng source namin, isang very expensive na bike ang iniregalo ng bokalista ng Parokya ni Edgar kay Angel. ‘Yun kaya ay dahil nanguna nga si Angel sa recent poll ng nabanggit na men’s magazine?

Madalas din daw na bisita ni Angel si Chito sa kanyang tahanan, dagdag pa ng aming source. At ilang beses na rin namang naispatan ang dalawa sa magkakaibang okasyon, ‘di ba? Kahit na sa mga panayam kina Angel at Chito ay patuloy nilang idinedenay na may romansa nang namumuo sa pagitan nila, diin naman ng aming source, bumubuwelo lang daw ang dalawa at tiyak na aaminin din nila ang relasyon nila.

‘Yun kaya ay kapag break na sila?

SHELVED NA ANG movie project na pagsasamahan sana nina Robin Padilla at Toni Gonzaga. Ang dahilan ay hindi raw ito matatapos sa itinakdang playdate next month. Parehong abala raw ang dalawa sa kani-kanilang mga commitments.

ADVERTISING

Pero ibang ‘dahilan’ ang nakarating sa amin. Bulong ng isang malapit kay Toni, gusto raw ni Robin na hindi pa committed ang leading lady niya, meaning ‘single’ pa raw dapat ito. At kahit hindi pa naman kasal si Toni sa boyfriend nitong direktor na si Paul Soriano, tila hindi pa rin daw pasable ‘yon sa action star-turned-TV host.

Pahaging pa ng aming source, mainit pa rin daw ang isyu kina Robin at Mariel Rodriguez. Ibig kayang sabihin ay may posibilidad na ang Wowowee co-host ang maging leading lady ni Binoe?

Anyway, tuloy pa rin daw ang movie project ni Robin sa Star Cinema. At isang ‘young actress’ daw ang makakapareha ng original Bad Boy of Philippine Cinema.

HONESTLY, MAS GUSTO naming naririnig na kumakanta ng live si Jovit Baldivino. Mas ramdam namin ‘yung emosyon niya. Narinig namin ang single niyang ‘Too Much Love Can Kill You’, pero parang may kulang. Dahil kaya iba ang recording kesa sa live? Mas pulido at mas malinis na ang winning piece niya sa Pilipinas Got Talent.

Isa rin kayang malaking factor ‘yung ‘personalidad’ ni Jovit, kaya mas gusto namin siyang napapanood nang live?

Bugbog sa airplay ang single ni Jovit na original ng British supergroup na Queen. Sikat na sikat ang version ng Batangueño’ng dating nagtitinda lang ng siomai.

Pero lagi naming sinasabi, hangga’t walang awitin ang isang singer na masasabi niyang kanya – isang original song na titimo sa kamalayan ng tulad naming umaasa pa ring maibabalik ang Original Pilipino Music, ang hangganan ng kanyang kasikatan ay hangga’t nakikiangkas na lang siya sa pamosong awitin ng iba.

For comments, e-mail el_borromeo@yahoo.com.

Bore Me
by Erik Borromeo

ADVERTISING