Angel Locsin at Angelica Panganiban, ‘di pa tapos ang away?!

ADVERTISING

Angel Locsin at Angelica Panganiban, ‘di pa tapos ang away?!

Angel Locsin at Angelica Panganiban, ‘di pa tapos ang away?!MALALIM BA ang hidwaan nina Angelica Panganiban at Angel Locsin? Kasi sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Awards o Box Office King and Queen Awards ay parang hindi daw nagpansinan ang dalawa na parehong tumanggap ng Best Actress Awards para sa One More Try.

Napabalita kasi noon na habang ginagawa nila ang naturang pelikula ay humantong diumano sa pisikalan ang isa nilang eksena na hindi naman required sa scene na ‘yun.

Sabi ni Angel, “Actually ngayon lang ulit kami nakapagkita pero medyo sensitive kasi ‘yung sitwasyon ngayon para sa kanya, so ayoko munang makadagdag pa sa pinagdadaanan niya ngayon, basta masaya lang ako para sa kanya.”

Samantala si Angelica naman ay nagbigay ng pahayag tungkol sa diumano’y may bagong nililigawan ang boyfriend na si John Lloyd Cruz. Sabi niya, “Parang hindi naman ‘ata maganda yun na may nililigawan siya tapos kami pa. Hindi naman proper ‘yun. Hindi rin dapat tinatanong, kasi hindi naman tamang gawin ‘yun ng isang normal na tao kung nasa tamang pag-iisip siya.”

ADVERTISING

 

Angel Locsin at Angelica Panganiban, ‘di pa tapos ang away?!MATAPANG, DIRETSO at may paninindigan ang mga naging pahayag ni Marjorie Barretto last Sunday May 19, sa The Buzz. Pero, dalawang bagay ang hindi pa rin niya tinumbok ang mga dahilan – una, kung sino ang may pakana ng paglabas ng kanyang mga ‘scandalous photos’; at pangalawa, kung ano ba talaga ang problema nila sa pamilya na sinasabi niyang meron silang common goal na resolbahin pero hindi ito ang natupad.

Kinagabihan, bilang pagtatapos ng selebrasyon ng kanyang ika-38 birthday, nag-post siya sa kanyang Instagram account ng litratong akto siyang magbo-blow ng candle. Nagpapasalamat siya sa lahat ng nagbigay ng suporta sa kanya sa mga problemang kinakaharap at sinabi pa niyang paggising niya, isang mas malakas na Marjorie pa raw ang maaasahan ng lahat.

Saad nito sa kanyang post, “I’m ending my brithday with a grateful heart. I want to thank everybody who greeted me, sent me flowers, gifts and cakes. Thank you for all the kind texts and comments on Instagram.”

“God you are good. You know my heart more than anyone else. I feel so loved, overwhelming love from everyone who matters in my life.”

“I’m waking up tomorrow stronger than I have ever been because of all of you.”

 

MATAPOS ANG emosyonal na paglalahad ng kuwento ng kanilang hiwalayan ni Jed Salang, tuloy ang takbo ng buhay ni Ai-Ai delas Alas last Sunday, May 19. Hindi mababanaag ang labis na sakit na naramdaman nito sa Pilipinas Got Talent Season 4 kung saan nagkaroon ng live elimination.

Matapos nito, tuloy sila ni Kris Aquino at Vice Ganda sa AFP Theater kung saan ginaganap ang Guillermo Mendoza Foundation Awards o Box Office King and Queen Awards. Sa post niya sa kanyang Instagram the other night, may litrato silang tatlo nina Kris at Vice na may caption, “GMFAWARD…PHENOMENAL BOX OFFICE STARS…ME, FRIENDSHIP KRIS, VICE MARIE…TO GOD BE THE GLORY SALAMAT PO SA BLESSING NA ITO.” Meron na itong 2600 plus na likes.

Right after, nag-post naman si Ai-Ai ng isang qoutation na nakasaad, “Dear God, thank you for everything.”

May note siya ritong, “maraming salamat po PANGINOON…at sa buong sambayanang pilipino dito man at sa lahat ng sulok ng mundo…THANK YOU PO SA DASAL, SUPORTA AT PAGMAMAHAAL NINYO…GOD BLESS EVERYONE.”

Nitong Lunes, May 20, medyo nakangiti na ang Comedy Concert Queen sa kanyang post dahil binisita siya ng kaibigang si Willie Revillame. Naka-post sa kanyang IG account ang pic collage nila ni Willie at isang mamahaling bag. Pabiro niyang sabi, “GOOD MORNING… NAPAKASAYA NG UMAGA KO PAG GISING KO ETO BISITA KO SI WILLI REVILLAME… isa kang TUNAY NA KAIBIGAN THANK YOU SA LV BAG… THANK SA PERA IBINIGAY MO SA ATE KO MGA YAYA AT DRIVER… LABYU WILL… GOD BLESS YOU MORE… SANA 2 pa EROPLANO MO HEHEHE MABUHAY KA.”

Kakainggit naman, may bagong bag, hahaha! Ikaw na nga ‘yan, Miss Ai-Ai!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING