Angel Locsin at Angelica Panganiban, pinag-aaway

ADVERTISING

Angel Locsin at Angelica Panganiban, pinag-aaway

Angelica-Panganiban-Angel-LocsinMAY MGA taong gustong pag-awayin sina Angel Locsin at Angelica Panganiban. Nagsimula ang lahat sa tweet ni Angelica na kailangan daw ng tamang timing sa comedy na ang inakala ng iba ay si Angel ang pinatatamaan na during that day ay guest host naman sa It’s Showtime.

Ayaw mag-react ni Angel sa isyu dahil ayon sa kanya, matagal na silang okey ni Angelica. Hindi rin daw niya sure kung siya nga ang pinatatamaan ng aktres.

Nagsimula ang rift sa dalawang aktres habang ginagawa nila noon ang pelikulang One More Try. Diumano, naging totohanan ang sabunutan scene nina Angel at Angelica sa syuting at mula noon hindi na sila naging okey.

Three years ago nang minsang magkita sina Angel at Angelica sa isang awards night ay naging okey na ang lahat kaya nagtataka ang kampo ni Angel kung bakit muling binubuhay ang lumang isyu.

ADVERTISING

“Ang tagal na ng isyung ‘yan. Ang alam namin, all is well na between the two. Kaya nagulat kami nang may nagsabing si Angel daw ang pinatatamaan ni Angelica. Sa totoo lang, ‘di naman affected si Angel sa isyung ‘yan,” pahayag ng kampo ni Angel.

Nakatikim naman ng pamba-bash si Angelica sa social media dahil sa ginawa niya. Obviously, galing ito sa fans at supporters ni Angel.

Anyway, happy ang aktres sa estado ng relasyon nila ngayon ni Luis Manzano. Ang tanong na lang ngayon ay kung kailan magaganap ang inaabangang marriage proposal at kasalan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING