Angel Locsin and Anne Curtis, ‘di lang panlabas ang kagandahan! – Boy Abunda

Angel Locsin and Anne Curtis,  ‘di lang panlabas ang kagandahan! - Boy Abunda

Angel Locsin and Anne Curtis,  ‘di lang panlabas ang kagandahan! - Boy AbundaANGEL LOCSIN AND Anne Curtis are beautiful people inside-out. Patuloy ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng sa pamamagitan ng kanilang Shop and Share website where they post photos of designer items belonging to celebrities that are up for bidding. The proceeds of the auction will go directly to the Philippine National Red Cross. You can visit eBay.ph to check the available items included in the auction.

Shop and Share was first conceived by Angel hanggang sa dumami na ang mga celebrities na gustong tumulong.

All-out talaga ang ibinibigay nina Angel at Anne sa Shop and Share. They find time to personally take photos and collect the items from the stars. Kung noon ay sa Twitter, Facebook, sa television shows at sa kanilang mga interviews lang natin naririnig ang tungkol sa Shop and Share, kamakailan lamang ay nagkaroon sila ng launch of this worthy cause.

It is said that they are already nearing their P1 million target at marami pa ang gustong tumulong. Totoo talaga ang kasabihan na kapag maganda ang iyong hangarin sa kapwa ay pagpapalain ka ng Diyos. Masarap sa pakiramdam ang makatulong at makapagbigay – maliit man o malaki – sa mga nangangailangan.

The items up for bidding have schedules for posting in eBay and they are auctioned by batch. The scheduled dates of auction for most items are also updated.

Maliban kina Angel at Anne, kabilang din sa mga nakibahagi sa charity project sina Kris Aquino, Manny Pacquaio, Coach Freddie Roach, Sam Milby, KC Concepcion, Piolo Pascual, Robin Padilla, John Lloyd Cruz, Luis Manzano, Gerald Anderson, Kim Chiu, Ruffa Gutierrez, Richard Gutierrez, Diether Ocampo, Mariel Rodriguez, Pokwang, Carla Humphries, Dingdong Dantes, Isabelle Daza, Heart Evangelista, Dimples Romana at ang inyo pong lingkod.

I have always talked about the immense power and influence of celebrities. Stars and public figures can use their fame for the good of the world. At muli itong napatunayan sa tagumpay ng Shop and Share.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda