Angel does the ‘The New Asian Superstar’

ADVERTISING

Angel does the ‘The New Asian Superstar’

MALAYO NA ANG nilipad ng original Darna ng Siyete na si Angel Locsin matapos niyang lisanin ang bakuran ng istasyon at nakahanap ng mas magandang pugad sa Kapamilya Network. Nagbukas

ADVERTISING

din ang iba’t ibang opportunities sa seksing aktres gaya ng pagkakapansin sa kanyang acting performance sa teleserye, drama anthology at pelikula ng mga award giving bodies dito sa

atin at sa abroad. Angel’s talent was recognized internationally noong 2009 sa nominasyon niya as Best Actress sa nakaraang 37th International Emmy Awards para sa role na Lyka Ortega sa ‘Lobo’.


ADVERTISING

Mukhang tuluy-tuloy ang suwerte ng magandang aktres dahil inalok siya ng isang Filipino producer na gumawa ng pelikula sa Indonesia. Huwaaattt? Panibagong challenge na naman ito para kay Angel, huh! Ang tsika eh, isang horror-romance genre ang gagawing pelikula at makakapareha pa raw ni Angel ang isang kilalang Indonesian actor from Jakarta at ididirek siyempre ng isang sikat na Indonesian director. Taray! Naging popular ang ating bida sa bansang ito dahil sa mahusay na pagganap bilang Lia sa seryeng Imortal kung saan sinusubaybayan din doon. Maymga nagsasabing siya na ang female counterpart ng Pinoy balladeer na si Papa Christian Bautista pagdating sa kasikatan sa Indonesia. Kabog ang iba riyan, duhba? He-he! Samantala, namataan ng mga mahadera si Angel kasama ang Azkals striker na si Papa Phil Younghusband at iba pang kaibigan sa Hong Kong n’ung nakaraang Holy Week. Hmmm… ano kaya ng drama ng dalawang ito? Sila na ba? Chos! Ano naman kaya ang masasabi ni Angel sa mga dumarating na blessings sa kanya?

 

Photos by Mark Atienza, Ronnie Bernaldo & Parazzi Wires

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING