Angel Bonilla, ‘di lang sa Europe umaarangkada ang career; mabenta rin sa Amerika

ADVERTISING

Angel Bonilla, 'di lang sa Europe umaarangkada ang career; mabenta rin sa Amerika

Angel Bonilla (Event Poster)
Angel Bonilla (Event Poster)

After winning in the 2016 International Discovery Pop Music Festival sa Varna, Bulgaria sa Europe, mas dumami ang shows ng socialite singer na si Angel Bonilla.
Kuwento nga nito nang maka-chat namin through Facebook, “I’m going to a Hollywood event hosted by Pierce Brosnan (James Bond) and I will be singing there. It’s for Doris Robert memorial.”
Dagdag pa ni Angel Bonilla, “I’m also performing at LA pride (march) this month. Maganda ang line-up ng performers dito, ‘yung mga kilala.”
At kahit nga kaliwa’t kanan ang gig ni Angel Bonilla sa Europe at ngayon nga ay sa Amerika, iba pa rin daw para sa kanya ang makapag-perform in front of Filipino audience.
Gusto nga raw nitong umawit sa harap ng kanyang kababayan, dahil isa siyang proud Filipino. At kung ano man daw ang naging achievements niya ay inaalay niya ito sa bansa.
Excited na nga itong makauwi sa Pilipinas. Kung matutuloy ang kanyang plano ay ngayong buwan ng Hunyo ang kanyang pagdating sa bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING