Angel Bonilla, bibirit sa Zirkoh Tomas Morato sa August 24

ADVERTISING

Angel Bonilla, bibirit sa Zirkoh Tomas Morato sa August 24

Angel Bonilla
Angel Bonilla

Napabilib ng Transgender Pinoy International Singer na si Angel Bonilla na nagwagi (2nd Place) sa Discovery Pop Music Festival sa Varna, Bulgaria ang mga taong nanood sa katatapos na matagumpay na Hataw Superbodies na ginanap sa Music Hall sa Pasig City.
At kahit nga pasado ala-una na ng madaling-araw nakaawit si Angel Bonilla, bigay-todo pa rin ito sa kanyang performance. Kaya naman after nitong i-perform ang kanyang two songs, ‘di magkamayaw ang mga tao sa kasisigaw ng more.
Patikim pa nga lang daw ito ng husay ni Angel pagdating sa kantahan, dahil sa back to back concert nila ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose “Osang” Fostanes sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City sa August 24, 9 p.m. entitled “Voices Concert Featuring the X Factor Stars”, mas marami pang awitin ang iparirinig ni Angel kasama na ang kanyang winning song sa Discovery Pop Music Festival.

Bukod kay Angel at Rose, makasasama rin sa concert ang New Millenium Kilabot ng mga Kolehiyala at 1st Runner-Up sa “Your Face Sounds Familiar” na si Michael Pangilinan at ang mahusay na singer/stand-up comedian na si Osang with Kapuso Star Marika Sasaki, Idolito Dela Cruz, The Fabolous Girlfriends, Brat Boys, Ron Mclean, Zero Ground, at Four Dimensions.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING