Angel Aquino, nawindang sa katigasan ng ulo ng isang direktor

ADVERTISING

Angel Aquino, nawindang sa katigasan ng ulo ng isang direktor

Angel-AquinoKALOKA PALA itong si Lav Diaz, parang hindi professional kausap. Kinontak ni Lav si Angel Aquino for a movie na isasali sa isang prestigious film festival abroad. Naloka si Angel dahil ang shooting ay during the Lenten season. Pumayag na rin naman siya dahil ang ganda ng role, isang novice na lumabas ng convent para mamuhay bilang normal na tao then babalik sa kumbento after one year para maging isang ganap na madre.

Kaso, Angel’s character had conflict, nagustuhan na niya ang buhay sa labas ng convent. Nakipagrelasyon siya, nakipag-inuman, naki-gimik, ginawa lahat na normal acitivities ng isang babae.

Nang malapit na siyang maging madre, nagkaroon ng matinding pag-aalinlangan ang character ni Angel. Sa harap ng makeshift altar ay naghubad siya at ang ending ay naglaslas siya ng kanyang clitoris.

Ang ganda ng plot, ‘di ba? Something that will surely shock the international audience.

ADVERTISING

But here’s the rub. Ang kasunduan pala ni Lav sa filmfest ay dapat hindi lumagpas nang more than three hours ang kanyang movie otherwise ay hindi ito makasasali. Ang problema, lumagpas sa mahigit sa pinagkasunduang oras ang pelikula kaya hindi ito nakasama sa competition.

Siyempre, ang unang naloka ay itong si Angel. Na-imagine na kasi niya na lalakad siya sa red carpet. Isa pa, ang laki ng kanyang isinakripisyo sa movie na ito. Ang kaso, lahat ay nawala dahil sa katigasan ng ulo ni Lav. Ayaw niyang putulan ng ilang mga eksena kahit na pag-aaksaya lang naman ito ng oras.

True ba ito, Lav? Paki-explain nga.

Baka masyadong feeling superstar itong si Lav na kailangan ay lagi siyang masunod. Eh, ang chika sa amin ay boring naman ang movies niya na three hours to five hours ang screening palagi.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING