AngBeKi Getaway: Angelica Panganiban, Bela Padilla and Kim Chiu, ipinagdiwang ang kanilang 3rd anniversary

ADVERTISING

AKALA niyo ba mga magdyowa o mag-asawa lang ang nagdidiwang ng anniversaries? Pati friendships din!

‘Yan ang ginawa ng Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu. Three years ago ay nagkrus ng landas ang tatlo at nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap, kilalanin ang isa’t isa at kalaunay’y maging totoong magkakaibigan na walang halong ‘pakitang-showbiz’.

ADVERTISING
AngBeKi Getaway: Angelica Panganiban, Bela Padilla and Kim Chiu, ipinagdiwang ang kanilang 3rd anniversary
Angelica Panganiban, Bela Padilla and Kim Chiu

Dahil tapos na sa taping ng Love Thy Woman si Kim at si Angelica naman ay natapos na rin sa lock-in taping ng kanyang ongoing series na Walang Hanggang Paalam, nakapagbonding ang tatlo sa pamamagitan ng isang quick getaway sa Subic. Hindi man sila palaging buo kapag nagkikita, hindi naman maipagkakaila na genuine ang nabuo nilang friendship na rare na nga raw ngayon sa mundong kanilang ginagalawan.

Buti na lang at na-document ni Kim Chiu ang kanilang friendship trip at ini-upload ito sa kanyang vlog. Kahit papaano ay na-feel din ng kanilang fans na parang kasama rin sila sa kanilang panandaliang lakad.

Sina Bela at Kim din ang unang guest ni Angelica sa kanyang ‘Ask Angelica’ online show na pasabog din ang pagbungad.

ADVERTISING

Ang tanong namin ngayon: Kailan kaya sila magkakaroon ng isang digital series o movie na silang tatlo ang bida? Scriptwriter/Producer si Bela at sure naman kami na game sina Angelica at Kim sa ideyang ito. Watcha think? Paging IWantTFC and Viva!

ADVERTISING