Ang Trio Tagapayo

ADVERTISING

Ang Trio Tagapayo

KUNG NAKA ONE-ON-ONE natin si Amy Perez, andito naman ang Trio Tagapayo ng talakseryeng Face to Face. Unahin natin ang legal expert na si Atty. Ben Acosta na mabait na husband ng ating kaparazzi na si Atty. Persida Acosta.

ADVERTISING

Ang Trio Tagapayo

How do you feel na ngayon ay celebrity na kayo’t napapanood sa buong bansa? “Ah I refuse to be called a celebrity. I just want to be called as a counsel.”

Ah, mukhang napasubo tayo at lahat legal matters ang sagot, hehehe!  So, gaano katagal na kayo rito sa Face to Face? “Ah, nag-start kami last year, 2010. Alternate kami ni chief, ni Atty. Percida Acosta sa pagpapayo rito sa Face to Face.”  Mahusay na abogado si Atty. Persida. Masyadong tough siya, eh. Kaya ang tanong ko kay Atty. Ben, kung sino ang mataas ang posisyon sa kanilang mag-asawa. “Ah siya ang nasa public, siya ang chief ng PAO. Ako naman ay nasa private practice. Ah in the government, she is in the higher position because she holds the highest position in a particular agency which is the Public Attorney’s Office. Ako naman ay nasa private practice ako. So practitioner ako.”

ADVERTISING

Ang Trio Tagapayo

Sa huli, ang tanong ko, Attorney, ‘pag nasa bahay kayo, sino ho ba ang kumander sa inyo ni Atty. Persida?’ “Hahahahah! Ah mahirap sagutin ‘yun. Hindi subject ng batas ‘yun eh.”

Tiyak, mas bida ang kumander na si misis.

Si Dra. Camille Caces–Garcia, isang child psychologist at CEO ng Clinic of the Holy Spirit. Paano ba siya napabilang sa Trio Tagapayo? “Actually, hindi ho ako ang first choice. Ang dati hong nangyari, iba nang iba every week until eventually ni-recall ako tapos sabi ako na lang daw. Unang-una sa experience ko, tapos du’n sa trabaho ko, iyong pagiging clinical psychologist ko, kasi meron din kaming ospital. Meron kaming mga around 65 patients, in-patient na mga chronic, ng mga for rehab, iyon pong may mga dipe-rensiya sa pag-iisip.”

Puwede ko kayang ipadala dun itong staff ko na si Kuliglig? “Ah, anything to do with mental health.”

As a psychologist, hindi ba siya nahihirapan kapag may nakikita siyang ‘impromptu’ na bakbakan? “Parang sanay na ganu’n. Kaya lang ang kaibahan, dito naninibago lang ako, kasi dito ang bibilis, parang ang nangyayari eh parang automatic iyong pagbubugso ng damdamin, nai-express nila kaagad.”

Totoo nga, minsan limot ng mga guests na kinukunan sila ng camera.  Mabuti na lang may mga maskulados na sina B1 & B2. “Ah oo, kasi expected na magkakaroon ng gulo talaga.”

Ang Trio Tagapayo

Last but not the least, pasadahan natin si Father Sonny Merida ng St. Peter Parish.  Ah, kumusta po father? “Ah, ok naman. Actually katulad ng sinabi nila, hindi ako ‘yung first choice. Ang nandito po talaga eh, ‘yung Parish Priest namin na si Fr. Jerry Tapiador.”

Ang kagandahan nakikilala lalo si Father dahil sa show, maliban, madestino siya muli. “Ah ‘di naman po sa pagyayabang , sasabihin nila ito ‘yung pari sa Face to Face kaya marami-rami ‘yung nagsisimba.”

Ah malaking bagay rin. Parang tama bang sabihin nating nako-commercial din? “Ah hindi, hindi. Ah parang na-advertise!”

Ah Father, paano n’yo naisipang maging pari? “Ah, may tawag ako.” Hindi naman kayo nasawi sa pag-ibig? “Ah, wala… wala. ‘Eto talaga ang gusto ko. Bata pa ako gusto ko nang magmisa-misa, ganu’n . Ayun natuluy-tuloy na. Ah na-develop lang yun.”

Kulitin na natin. Father, ‘di ba iyong pari pagkatapos ng homily malungkot? “Ah, kasi ‘pag nakakasama mo ang mga tao du’n parang pamilya mo na sila.”

Ah Father, kung napapadaan ka sa parteng Malate, halimbawa me ilaw-ilaw para bang sasabihin mo, ‘hindi ako sasama dyan!’ “Ahaha! Parang ganu’n! Oh, tukso layuan mo ako!”

Ang Trio Tagapayo

Sabagay, kailangang tumawa tayo sa gitna ng nakakapagod na gawain natin sa araw-araw. Lalo na ang mga kaparian, na ang pamilya ay ang kanilang sinum-paang misyon.

For comments and suggestions, call tel. no. 3829838, email: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

ADVERTISING