Ang Probinsyano at mga bagong teleserye ng ABS-CBN mapapanood na rin sa A2Z Channel 11

ADVERTISING
Leo Bukas

HINDI lang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To ang mapapanood sa A2Z Channel 11 free TV kung hindi ang iba pang mga ABS-CBN teleserye na na-miss ng loyal Kapamilya televiewers.

Kabilang sa mga programang mapapanood sa Channel 11 simula October 10 ay ang mga sumusunod:

ADVERTISING
Ang Probinsyano at mga bagong teleserye ng ABS-CBN mapapanood na rin sa A2Z Channel 11
Kapamilya shows in A2Z Channel 11

FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin, Walang Hanggang Paalam, Paano Kita Mapasasalamatan?, Iba ‘Yan!, Magandang Buhay, I Can See Your Voice at MMK.

Samantala, nag-isyu ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa partnership nila sa Zoe Broadcasting Network. Narito ang nilalaman:

‘Gumagawa ang ABS-CBN ng mga palabas para sa iba’t ibang kumpanya, plataporma, at manonood sa loob at labas ng bansa.

ADVERTISING

“Simula Sabado (Oktubre 10), mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

“Mapapanood ang A2Z channel 11 sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya.

“Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para maghatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko.”

 

ADVERTISING