Ang pinakahihintay na araw nina Kristine at Oyo

ADVERTISING

Ang pinakahihintay na araw nina Kristine at OyoSA WAKAS AY natuloy na rin ang pinag-uusapang kasalan nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto last January 12 sa Club Balai Isabel in Talisay, Batangas. The longtime couple had caught the public’s attention simula nang ma-link sila sa isa’t isa. Memorable din ang kanilang wedding because it coincided with Oyo’s birthday.

Noon pa man, iba na ang gut feel ko tungkol sa kanilang totoong relasyon kahit hindi nila ito diretsahang aminin. Iba kasi ang ngiti sa mga labi at ningning ng mga mata nina Tintin at Oyo kapag tinatanong sila about each other.

ADVERTISING

Ang buong pamilya Sotto pati ang pamilya ni Tintin na lumipad pa galing Canada ay kumpletong nakiisa sa intimate Christian wedding ceremony. Dinaluhan din ng kanilang mga close friends at relatives ang special day ng dalawa.

The bride looked resplendent in her wedding gown created by Edwin Tan. Cobalt blue and pink ang motif sa kasal. After the ceremony, tumuloy ang lahat sa reception na ginanap din sa Balai Isabel. Si Tintin ay nagpalit ng isang white gown na gawa ni Francis Libiran.

Kabilang sa mga principal sponsors sa kasal sina ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio, Star Magic Head Mr. Johnny Manahan at TAPE’s Tony Tuviera and Malou Choa-Fagar.

ADVERTISING

Kailan nga ba nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan? The public had played a guessing game about the real score of their relationship although they were often spotted together and were very vocal about their feelings for each other.

Una silang nagkakilala noong 2004 nang gawin nila ang Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend na pinagbidahan ni Vic Sotto, Oyo’s father. Sino ba naman ang mag-aakalang balang-araw ay magiging magkakapamilya sila?

2006 nang magsimulang main-love si Oyo kay Tintin during Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and On and On. Pero kahit nagdi-date sila noon, sinasabi nilang magkaibigan lamang sila dahil ayaw nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon. Pero matindi talaga ang tama ni Oyo kay Tintin kaya noong September 9, 2009 during Tintin’s 26th birthday ay nag-propose na siya sa aktres. At hindi naman siya nabigo dahil sinuklian naman ni Tintin ng kanyang matamis na “Oo” ang binata.

To Tintin and Oyo, congratulations and all the best!

Ang pinakahihintay na araw nina Kristine at Oyo

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING