“Ang Panday” ni Richard Gutierrez, tatlong linggo na lang

ADVERTISING

"Ang Panday" ni Richard Gutierrez, tatlong linggo na lang

Richard Gutierrez
Richard Gutierrez

Mula ngayon ay may nalalabi pang tatlong linggo ang pananatili sa ere ng “Ang Panday“, kung saan base sa bugbog na teaser ay magsasanib ang tatlong katauhan na ginagampananan ni Richard Gutierrez na sina Flavio, Miguel at Juro para puksain ang kasamaan ni Lizardo.

Last week, naipakilala na ang karakter ni Fabio Ide, ang bunga nina Ledge (Epi Quizon bilang mad scientist) at Sam Pinto, who grew as a monstrous-looking child na sumailalim sa eksperimento ng kanyang ama to look handsome.

Sa puntong ‘yon nagkaroon ng conflict sa pagitan ng mag-ama, isang elemento na lalo pang pinakapal sa kuwento to justify the triumph of good over evil.

At sa mga nalalabi pang episode ng obrang ito ni Carlo J. Caparas, inaasahan ng TV5 na ang mga sumubaybay nito mula umpisa ay hindi bibitiw sa mga mas makapigil-hininga pang tagpo ng pakikipaglaban ni Flavio.

ADVERTISING

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING