“Ang Panday ni Richard Gutierrez sa TV5, magtatapos na

ADVERTISING

"Ang Panday ni Richard Gutierrez sa TV5, magtatapos na

 Richard Gutierrez
Richard Gutierrez

Tulad ng karaniwang practice sa TV where a soap lasts for three months or one season for the audience to get another dose of a different show, ganito rin ang itinagal ng “Ang Panday” which airs its finale episode tomorrow, June 2.

Matatandaang February 29 nang mag-premiere ang fantaseryeng ito ni Direk Carlo J. Caparas, sa pamahala ni Mac Alejandre at pinagbibidahan ni Richard Gutierrez (na not just one but three!).

Paiba-ina man ang time slot nito, nabawasan man ng mga araw ang pagpapalabas nito, but all these hitches are worth it, dahil sa mainit na pagtanggap sa maalamat na kuwento ni Flavio.

Unlike the film version na pinagbidahan ni FPJ, ang TV adaptation—kumbaga sa isang nakasanayang putahe—is replete with ingredients given a distinct flavor to one’s palate. Mas dumami kasi ang mga tauhan, ang mga kampon ni Lizardo, may kilig moments pa, and what’s more, Richard Gutierrez has taken on two more characters—Miguel and Juro—para kumapal ang bawat kinapananabikang episode.

ADVERTISING

Timing na timing din naman kasi ang pagtatapos ng “Ang Panday, komento ng aming inanaak, as classes will open next week.

So, sa mga tumutok ng “Ang Panday” mula umpisa, huwag palampasin ang huling episode bukas sa dati pa ring oras!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING