Ang Lihim ng ELNELLA: The Elmo Magalona – Janella Salvador “love affair”

ADVERTISING

Ang Lihim ng ELNELLA: The Elmo Magalona - Janella Salvador “love affair”

Ang Lihim ng ELNELLA: The Elmo Magalona - Janella Salvador “love affair”
Janella Salvador and Elmo Magalona: Sila na ba?

HINDI NAMAN sa pinapangunahan ko, pero tila iba ang sinasabi nila kumpara sa nakikita sa kanilang dalawa.

 
Ang tinutukoy namin ay ang loveteam nina ElNella nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
 
Nang tanungin sila during the grand media launch ng kanilang pelikula na “Bloody Crayons” na ipapalabas na next Wednesday, July 12 sa mga sinehan, paiwas pa rin ang sagot  nila.
 

Ang sey ni Elmo, he can wait kung kalian bibitawan ang pormal na kumpirmasyon ng dalaga sa panunuyo niya while si Janella naman, ang palaging sinasabi ay priority ng dalaga ang kanyang career kay suma’t total, waley pa rin at waiting ang mga fans ng ElNella kung kalian ba talaga ang announcement at pagkukumpirma.

Ang Lihim ng ELNELLA: The Elmo Magalona - Janella Salvador “love affair”
Janella Salvador and Elmo Magalona: Is ElNella real?
 
Pero sa ganang akin,action speaks louder than words.
 
Sa stolen shots na ipinasa sa amin ng isang source, kayo ang mag-explain at mag-interpret kung ano na ba ang estado ng “love affair” ng dalawa?
 
Basta ako, alam ko ang sagot. Saka ko na lang ire-reveal baka pagalitan ako ng source ko na personally ay malapit sa dalawa

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING