Ang lakwatserang millennial: Maine Mendoza, mas bagay bigyan ng travel show kesa teleserye!

ADVERTISING

Ang lakwatserang millennial: Maine Mendoza, mas bagay bigyan ng travel show kesa teleserye!

Ang lakwatserang millennial: Maine Mendoza, mas bagay bigyan ng travel show kesa teleserye!
Maine Mendoza

MULI NA NAMAN nambulabog ng cyberworld ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Noong isang araw ay nag-upload ito ng dalawang picture na kuha sa isang anonymous beach place. Ang isa ay nakatalikod ang dalaga habang nakatanaw sa magandang view of the beach while she’s soaking her body sa pool at ang isa naman ay naka-bikini ito at kitang-kita ang unedited niyang carefree aura.

 

my kind of Sunday afternoon ???

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Looking at the photos kind of gives us a ‘it’s-ok-to-chillax-and-relax-by-the-beach’ vibe. That made us think and wish na sana’y maisipan ng Kapuso network or GMA News TV na bigyan ng sariling travel show si Maine that will specialize in budget traveling na swak ngayon sa mga millennials like her.

ADVERTISING

Sa lahat ng female personalities na sikat these days ay si Maine ang may pinaka-saktong balance: She can be really funny and reach out sa masa crowd, pero kaya rin niyang sumabay pagdating sa sosyalan. Dahil natural din naman ang pagiging lakwatsera niya at nasubukan na niyang mag-OJT sa ibang bansa, sure na keri niya magbigay ng travel tips and tricks based on first-hand experience. Hindi ba’t mas okay ‘yun?

 

ichigo ichie 一期一会 #AlDub2ndAnniversary

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Pwede rin na sila ng ka-loveteam na si Alden Richards ang mag-host ng show or siya ang pambungad na special guest sa pilot episode. Kuwela kung maging special guest din niya si Marian Rivera at iba pang Kapuso stars na hindi KJ at game sa kahit anong ipagawa sa kanila.

Aminado si Maine na hindi siya comfortable sa teleserye setting at pakiramdam niya’y kailangan pa niya ng workshop. May pinaplano na ang kanyang management team na bagong pelikula to please AlDub fans, pero wish din namin n asana ay bigyan din ito ng travel or lifestyle show targeting millennials kahit pa for one season lang. Good idea naman ito, ‘di ba? Sey n’yo?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

ADVERTISING