Ang importante kumita ang kanilang movie
Kris Aquino, walang paki sa award-award!

ADVERTISING

<i>Ang importante kumita ang kanilang movie</i><br>Kris Aquino, walang paki sa award-award!

<i>Ang importante kumita ang kanilang movie</i><br>Kris Aquino, walang paki sa award-award!BLIND ITEM: We cannot wait to see this termagant (read: mataray), not-so-good actress raise hell once she discovers that her domestic partner is carrying on an affair with a pretty 19 year-old girl.

Nakita namin mismo ang larawan ng babae from the mobile phone of our cousin na source din namin. Artistahin ang hitsura ng girl, no wonder, nabighani ang dyowa ng mataray na aktres.

Sa sobra ngang pagkahaling ng lalaki, isang luxury car ang ibinigay niya sa kanyang “kabit”. Just recently, the male benefactor gave her P700,000 para ibaon lang nito in her Macau trip.

Gaano pa kaya kataray ang aktres kapag nabuko niya that under her nose (in fairness, hindi cosmetically enhanced) ay may kinahuhumalingan ang kanyang dyowa?

ADVERTISING

 

ON THE Gabi ng Parangal last December 27, El Presidente (The Emilio Aguinaldo Story) got what it wanted: most of the major awards.

Early on, mapagkumbaba nang ipinahayag ng bida ritong si Laguna Governor ER Ejercito na hindi mahalaga kung kumita man o hindi sa takilya ang entry nilang ‘yon. All that the actor-turned-politician aimed for was to see a long-overdue project (of epic proportions) achieve fruition. At makaraan nga ang mahigit sampung taon, it was a dream come true.

Sans the official box office figures, El Presidente ranked second to the last (kulelat ang Thy Womb although humataw rin sa mga awards) among all eight entries. Disappointing, dahil mas kumita pa ang sinasabing walang kakuwenta-kuwentang pelikulang Sisterakas na una pa man ding sinuportahan ni Pangulong Noynoy Aquino when it opened.

How ironic, naturingang Presidente pero inisnab ang kuwento tungkol sa kanyang predecessor, and the first Philippine President at that! Nasaan na ang sense of history ni P-Noy?

Anyway, on Twitter ay ikinagulat mismo ni Kris Aquino ang pagiging Third Best Picture ng kanilang entry nina Ai-Ai de las Alas at Vice Ganda. Early on din naman, Kris was honest to say they never cared about the awards, ang pagiging number one ng kanilang pelikula sa takilya was all that mattered to them who invested their collective 25% on the movie.

 

IPINAGDIWANG NI Cynthia Cole ang kanyang 67th birthday sa kanyang Meanwhile Bar in Angeles City, Pampanga late last year. It was a Mexican-themed party, with Tita Cynthia wearing a plaid polo shirt that matched her green baston jeans.

As usual, pinahangang muli ni Tita Cynthia ang kanyang mga panauhin with her unwavering terpsichorean skill. She danced to James Bond’s Skyfall soundtrack with her signature flips and tumbles that brought the house down.

During light moments, naikuwento sa amin ni Tita Cynthia that she was among Mel Tiangco’s invited guests on her birthday held in Hong Kong. Sa okasyong ‘yon daw kinukumbinsi ni Tita Mel si Tita Cynthia to grant permission para i-feature ang kanyang buhay sa Magpakailanman. Tita Cynthia initially said yes to the offer.

Much later than the offer, may nakilala raw na British producer si Tita Cynthia who also expressed interest na isapelikula ang kanyang buhay. As a result, nawindang daw ang mundo ni Tita Cynthia, caught between the devil and the deep blue sea, so to speak.

Pinayuhan namin si Tita Cynthia to honor her ladies’ agreement with Tita Mel, since una naman niya itong inoohan.  Forget about the British producer whom Tita Cynthia just met out of nowhere. Nag-sink din kay Tita Cynthia ang aming piece of advice.

Funny, this 67 year-old Dance Floor Dame is still young at heart who seeks advice from her “children”.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING