Hulicam: Ang GF ni Geoff Taylor

ADVERTISING

Text and photos By Joey Sarmiento

Hanggang ngayon ay dine-denay pa rin ng “Are You The Next Big Star” winner na si Geoff Taylor na meron siyang girlfriend pero ngayon, e, hindi na siya makakawala dahil huling-huli namin ang pagde-date nila sa isang fastfood chain sa Kyusi ng kanyang dyowa.

Yap! Kumpirmadong dyowa ito ni Geoff dahil isang close friend niya na kapatid sa panulat ang nagsabi sa amin na kadarating lang daw ng girlfriend niyang ito galing Japan. Sandali lang daw ang itatagal ng kanyang gf dahil babalik ito sa kanyang work du’n.

Enjoy na enjoy sa pag-lafang ang mag-dyowa nang hindi nila namamalayang merong kamerang-gala na kumakain din nu’ng oras na ‘yon sa naturang fastfood chain. Naka-shades at bonnet pa si Geoff kaya siguro, ang akala niya, e, hindi namin siya mamumukhaan, hek, hek, hek!!!

Siguro, nilibre siya ng dyowa niya sa fastfood chain na ‘yon na parang despedida celebration pero saglit pa ay umalis na rin ang dalawa at kumuha na ng taxi.

ADVERTISING

Wait a minute. Hindi ba P1million pesoses ang nakuha ni Geoff sa reality search na ‘yon ng GMA7 plus condo unit? Hindi pa ba ‘yon nakukuha ni Geoff kaya hanggang ngayon, e, pasitak-sitak pa rin ang GMA-7 artist?

Just asking lang naman po!!!

Hulicam: Ang GF ni Geoff Taylor

ADVERTISING