Ang Enchanteeng Nineteen sa Enchanted Kingdom

ADVERTISING

Ang Enchanteeng Nineteen sa Enchanted Kingdom

KARAMIHAN SA atin ay nag-e-enjoy na ng sembreak kahit mapaisa o dalawang linggo lamang ‘yan, sulitin na natin ang bawat araw. Tara na at tayo’y pumunta sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa City, Laguna kung saan sinasabing “The Magic lives on, and on” at samahan sila sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-19 na taon. Ang Enchanted Kingdom ay nagbukas noong ika-28 ng Hulyo 1995. Ito ay kinonsepto ng Landmark Entertainment Group. Ang Enchanted Kingdom ay naging bukas naman na para sa lahat ng tao noong ika-19 ng Oktubre, 1995.

ADVERTISING

Sa lahat ng 19 years old d’yan, may handog na sorpresa ang Enchanted Kingdom para sa inyo. Kung ikaw ay 19 years old, maaari mong mabili ang EK day pass nila na 50% off, mura na, sulit pa. Pero hindi lang ‘yan, sa mahigit 10 tao na kasama ng 19 years old, magkakaroon din kayo ng discount na 19%, Para ma-availe ng promo na ito, magpakita lang ng valid ID o anumang katibayan na nakasaad ang inyong birthday. Sa mga may birthday naman na ipinagdiriwang ito kasama ang Enchanted Kingdom, kayo ay may libreng slice ng cake.

Para sa mga 19 years old, pagpasok ng Enchanted Kingdom ay bibigyan kayo ng passport galing sa Enchanted Kingdom, Ano itong passport? Itong passport na ito kung saan ang loob nito ay naglalaman ng halos 19 na bilog, ang iyong gagawin lamang, kaibigan, ay punuin ng 17 stickers ito, Paano? Sa bawat sakay mo ng rides ay may isang sticker kang makukuha kaya kailangan mo ng mahigit 17 na masakyan na rides at bumili ng kahit ano sa Souvenir shop tulad ng Victoria’s souvenir shop at iba pa na pasok sa mechanics upang makakuha ng isa pang sticker, at karagdagan ay bumili ng pagkain na sa kainan na nakasaad sa kanilang mechanics upang makakuha pa ng isa pang ticket, at sa kabuuan ay may 19 stickers ka na at maaari mo nang makuha ang libreng Eldar na stuff toy, ang saya, ‘di ba? Ito ay mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 30 kaya ano pa ang hinihintay natin, Tara na.

Dahil sembreak na, mga kaibigan, may handog rin ang Enchanted Kingdom para sa mga estudyante na nag-e-enjoy ng kani-kanilang sembreak. Ang Student Sembreak Anibersaya ay maaaring mag-avail ng ticket sa halagang P480.00. Ipakita lang ang inyong valid na school ID para makuha ang promo na ito. Ang promo na ito ay mula Oktubre 1 hanggang ika-16 ng Nobyembre.

ADVERTISING

Ang saya, ‘di ba ng bawat promo na dala ng Enchanted Kingdom para sa atin sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-19 na taon? Kaya tara na at tayo ay pumunta at enjoy-in ang kanilang bawat rides tulad ng Space Shuttle, Ferris Wheel (wheel of faith), EKstreme Tower ride, Anchors Away, Flying Fiesta, Jungle Log Jam, Rio Grande Rapids, at iba’t iba pang rides at games sa loob ng Enchanted Kingdom na sulit ang mga dalang promo at siguradong mag-e-enjoy ang bawat tao.

Enchanted Kingdom, maligayang 19 na anibersaryo sa inyo na laging nagbibigay ng anibersaya sa bawat tao.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING