‘Ang Dalawang Mrs. Real’ nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes at Lovi Poe muling mapapanood sa GMA-7

MAPAPANOOD na natin muli sa GMA-7 ang 2014 heavy drama series na ‘Ang Dalawang Mrs. Real‘ na pinagbibidahan nina Diamond Star Maricel Soriano, Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Ito ang surprise announcement ng Kapuso Network a few days ago. Ito ang papalit sa timeslot na lilisanin ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ nina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara na magtatapos na ngayong March 26.

'Ang Dalawang Mrs. Real' nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes at Lovi Poe muling mapapanood sa GMA-7
Maricel Soriano, Dingdong Dantes and Lovi Poe in ‘Ang Dalawang Mrs. Real’

Originally, ang programang ‘Ang Dalawang Ikaw’ na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela dapat ang mapapanood ng mga Kapuso. Sa katunayan, napakaraming promotional videos para rito na ipinalalabas sa social media at sa telebisyon. May suspetsa na kami kung bakit napagdesisyunan ng GMA na huwag na muna ipalabas ang RitKen series.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang pagpalit ng ‘Nagbabagang Luha’ nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan at Claire Castro sa ‘Magkaagaw’ nina Sunshine Dizon, Klea Pineda at Sheryl Cruz na magtatapos naman sa March 31, Holy Wednesday.

Back to ‘Ang Dalawang Mrs. Real’, ito ay kuwento ni Anthony Real (Dingdong Dantes), isang lalaking nasangkot sa isang bigamous relationship. Sa programa ay may mga eksena kung saan nagkaroon ng acting showdown sina Maricel Soriano at Lovi Poe, na parehong nagmamahal at pinakasalan ni Dingdong Dantes sa serye.

 

Siguradong tataas na naman ang BP ng mga avid afternoon prime viewers ng Kapuso network, huh!

Abangan ang pagbabalik ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ sa GMA Afternoon Prime simula ngayong March 29.