‘Anestisya’ ng JBK palaging trending!

ADVERTISING
Leo Bukas

MASAYANG-MASAYA ang millennial trio na JBK (Joshua Bulot, Bryan del Rosario, Kim Ordonio) sa resulta ng kanilang latest song na “Anestisya.”

Patuloy itong nire-request sa mga FM stations. Sa katunayan, ito ay most wanted song sa Barangay LS, Win Radio, at Wish FM.

ADVERTISING

Hindi pa man nakakaisang buwan simula noong ni-release ito noong Oct. 4 ay hataw na agad sa mga radyo.

‘Anestisya’ ng JBK palaging trending!
(Joshua Bulot, Bryan del Rosario, Kim Ordonio)

“Masayang masaya kami sa natatanggap naming positive reactions mula sa mga tao. Sabi nila, sobrang nakaka-relate sila sa song. Ang dasal pa namin ay mas marami pang tao ang makarinig ng Anestisya,” pahayag ng JBK.

Nakilala ang JBK sa X-Factor UK 2017 matapos purihin ng TV producer na si Simon Cowell. Umabot ang grupo hanggang semi-finals.

ADVERTISING

Ang Anestisya ay isinulat ni Jojo Panaligan at produced by Lester Ramos ng Rider PH Studios.

Lampas 100 thousand views na ang lyrics video ng Anestisya na mapapanood sa YouTube channel ng Rider PH Studios. Puwede ring mapakinggan ang song sa Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms.

ADVERTISING