Andrew E, natalbugan na ng mga bagong rapper?

Andrew E, natalbugan na ng mga bagong rapper?

Andrew-EMAY BAGONG album ngayon si Andew E. na siguradong magiging bukambibig na naman ng masa, ang Singhutin Mo Baby, at the same time ay siyang theme song na gagamitin din sa bago niyang endorsement ng EXPED and Darlington Socks.

Ang ikinagulat ng press ay nang sabihin ni Andrew na naka-47 album na siya kasama na ang Singhitun Mo Baby album.

“Hindi lang kasi ako madalas nakakausap ng press about may album. Siguro nang huli akong humarap sa press ay sampu na ang album ko,” nakangiting say ni Andrew.

Ngayon daw kinuha siyang endorser ng Darlington Socks, baka madalas na raw uli siyang makatsikahan ng press.

Movie? Wala pa raw, pero who knows na baka isalin din raw sa pelikula ang album niyang Singhutin Mo Baby ng big boss ng Darlington Socks na si Mr. William Tan.

“Hindi imposible na maging pelikula ito. Kapag ginusto nila. Kayang-kaya nila at sigurado ako na walang magiging problema,” say pa ni Andrew.

Sa isyu naman na tinatalbugan na siya ng mga bagong sumusulpot na mga rap singer tulad nina Gloc 9, Abra, atbp.

“Wala namang problema kung sa mga bagong rap singer ngayon. Iba naman ang style ng mga ginagawa nilang kanta kumpara sa aking mga kanta.

“Ako kasi kapag gumawa ng kanta ay mas gusto kong nakare-relate ang mga tao sa kanta ko. Sa kanila, medyo may halong pulitika,” paliwanag ni Andrew.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo