Andrew E abot hanggang sa buwan ang pasensya

Leo Bukas
Si Andrew E ang pinakamatino at pinakamabait kung ikukumpara kina Dennis Padilla Padilla at Janno Gibbs na mga bida sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 ng Viva Films. Ito mismo ang naging pag-amin ni Janno sa ginanap na virtual presscon para sa kanilang pelikula.
Sobrang haba raw talaga ng pasensya ni Andrew E at hindi talaga marunong magalit.
Andrew E abot hanggang sa buwan ang pasensya
Andrew E.

“Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone,” papuri ni Janno kay sa rapper-comedian.

“Ako na siguro yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis. Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang. Magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” natatawang hirit pa singer-actor na obviously ay si Kitkat ang tinutukoy.

Generous din kung i-describe ni Janno si Andrew E.

“Isa sa mga na-discover ko din kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista,” sabi pa niya.

Mapagpakumbabang pinatotohanan naman ni Andrew ang tinuran ni Janno. Sa loob daw kasi ng halos tatlong dekada niya sa showbiz ay hindi pa siya nasangkot sa kahit anong isyu at kandalo.

Aniya, “In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista at ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“Kahit sinuman hindi ninyo kayang ubusin ang pasensya ko po. So, kunyari may mabalitaan kayong nag-ano  ako o naging pasaway sa movies, sa concerts wala po kayong mababalitaang ganun. Kaya for me po, at least nasabi ko sa sarili ko na my patience is very, very wild and long.”

Aminado din si Andrew E na sa tagal na niyang nakakasama sa pelikula sina Janno at Dennis ay mas lumambot na siya rito.

“Yung camaraderie ko sa kanila parang mas lumambot ngayon, mas nagdyi-jel ako ngayon na para akong melting cheese para sa kanila. Para bang hindi lang ito basta pag-aartista kundi pagiging kumpare ko pa sa kanila dahil di ba yung experience ko with them wala pa akong mga anak no’n  kaya hindi ko pa sila kumpare. But now, kumpare ko na sila at higit pa do’n kaya lalong lumalim yung pakikisama ko sa kanila,” kuwento ni Andrew E.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng SSS2 kumpara sa ibang sexy comedy films nilang ginawa?

“This  is our third new movie together – yung unang Sanggano, Pakboys and this one. Compared to the two, I think this is the naughtiest one. Parang mas marami kaming adlib dito sa movie na ito.

“We were given more liberty and this movie. I think it’s the most fun out of the three,” paliwanag ni Janno.
Anyway, sa US nag-celebrate ng Christmas si Andrew E kasama ang kanyang pamilya. Isinabay na rin niya sa bakasyon ang pag-aasikaso ng kanyang concert tour doon para sa 2022.

Bukod kina Janno, Andrew E at Dennis ay kasama rin sa SSS2 sina Juliana Parizcova Segovia, Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena at Pepe Hererra. Ang pelikulang idinirek ni Al Tantay ay streaming sa Vivamax on December 31.