Andrea Torres, walang paliwanag sa pag-isnab sa FHM Victory Party

ADVERTISING

Andrea Torres, walang paliwanag sa pag-isnab sa FHM Victory Party

Andrea-TorresMAY BOYKOT daw na nangyari sa FHM’s 100 Sexiest Victory Party as some Kapuso artists na napasama sa list ay hindi dumalo dahil hindi raw nila feel ang Sexiest Pinay winner na si Jennylyn Mercado.

ADVERTISING

Isa sa nang-isnab ay si Andrea Torres who took to social media to explain na wala siyang galit kay Jen. Ang sabi pa niya, before the event ay kinongratyuleyt pa niya si Jen. Wala raw silang problema ni Jen at magkasama pa nga sila sa Sunday All Stars ng GMA-7.

Sa hinaba-haba ng kanyang explanation, hindi man lang nabanggit ni Andrea kung bakit wala siya sa Victory Party. Kaloka, ‘di ba?

Ang daming rumampang starlets, has-beens and never-beens sa Victory Party.

ADVERTISING

Applauded daw si Maria Ozawa, eh, hindi na naman siya sexy. Mukha na siyang siopao sa katabaan.

Itong si Sunshine Garcia ay nagmukhang performer sa perya with her two-piece outfit adorned by samut-saring tela na mukhang cheap.

Si Phoemela Barranda naman ay nagmukhang saging na hilaw sa kanyang yellow one-piece suit. Hindi bagay sa kanya ang color, naging study of contrast dahil morena siya.

Si Alice Dixson naman ay tila nagmamantika ang hitsura sa kanyang shining gown. Parang tinernuhan niya ng kanyang make-up na talagang ayaw paawat sa kintab floorwax drama nito.

Ay, naku, hindi na kami nagtaka kung bakit inisnab ng ilang Kapuso starlets ang party. Ayaw siguro nilang magamit uli sila para painitin ang mga maniac sa event. Napagtanto siguro nilang ginagamit lang sila palagi.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING