Andrea Torres, sasabak na rin sa sexy role

ADVERTISING

Andrea Torres, sasabak na rin sa sexy role

Andrea-TorresMAGKASAMA DATI sa Bubble Gang sina Andrea Torres at Ellen Adarna. Umalis ang huli sa gag show dahil sa personal na dahilan at nang bumalik ay sumabak sa pagpapaseksi.

Ngayon ay sasabak na rin sa pagpapaseksi si Andrea sa sexy fantasy serye na Ang Lihim ni Annasandra na primetime drama ng GMA 7.

Positive ang tingin ni Andrea sa naging desisyon na magpakita ng skin sa serye. Naghihintay lang daw siya ng right project para lumabas siya sa comfort zone. Isa pa ay pang-TV ang serye kaya ‘di siya nag-aalala na lalabas na masagwa ang gagawin niyang pagpapaseksi.

Sa mga hindi nakakakilala kay Andrea, siya ang sinabing dahilan ng break-up nina Sef Cadayona at Yassi Pressman. Pero kaagad naman itong itinanggi nina Sef at Andrea na kapwa magkasama sa Bubble Gang.

ADVERTISING

Hindi kataka-taka kasi na mahumaling ang mga hunk actor sa kagandahan at kaseksihan ni Andrea. Bukod kasi sa super seksi ay super kinis pa ng kanyang kutis.

Maging si Jose Manalo nga ay hindi naitago ang paghanga kay Andrea nang maging contestant ang actress sa Celebrity Bluff kamakailan.

Kaya hindi kami magtataka kung ma-link din si Andrea kay Mikael Daez na siyang kapartner niya sa nasabing serye.

Pero pagtitiyak ni Andrea na hindi muna siya makikipagrelasyon lalo na ngayon pa lang siya nabibigyan ng magandang project ng Kapuso Network

Sa isyu naman na susundan niya ang ginagawang pagpapaseksi ng dating kasama sa Bubble Gang na si Ellen Adarna, “Magkaibigan po kami ni Ellen. Talaga namang may karapatang magpaseksi si Ellen dahil super ganda naman talaga niya at seksi. Sadya lang pong maganda ang istorya ng serye na gagawin ko kaya napapayag akong magpaseksi rito,” say ni Andrea.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING