Andrea Torres, naka-move on na raw kay Derek Ramsay

KAHIT NA pinipilit ng Kapuso actress na si Andrea Torres na manahimik at itikom ang bibig tuwing binabanggit ang kanyang newly-engaged ex-boyfriend na si Derek Ramsay ay hindi ito makaligtas sa mga taong makukulit na pinipilit itong magbigay ng pahayag tungkol sa recent revelation ng hunk actor na siya ang nakipag-break kay Andrea sa telepono.

Andrea Torres, naka-move on na raw kay Derek Ramsay
Andrea Torres

Sa internal press conference para sa bagong programa niya na Legal Wives ay umalma na si Andrea. Sinabi nito na hindi na kailangan ibulgar pa sa publiko ang mga personal na detalye patungkol sa hiwalayan nila ni Derek dahil wala naman mabuting maidudulot ito.

“It’s been months!” pag-alma ng sexy actress. “I’ve moved on.”

Sambit pa niya, “If he truly respects me and my family, he’ll let us have our peace.”

Noong nakaraang Linggo ay ibinulgar ni Derek sa isang interview with Cristy Fermin na siya mismo ang nakipagkalas kay Andrea sa telepono dahil may mga principles sila na hindi tugma. Sa ngayon ay happily engaged na si Derek sa sexy actress na si Ellen Adarna at panay ang post nila ng pictures at video updates sa social media.

 

On the other hand, si Andrea Torres naman ay busy sa kanyang bagong programang ‘Legal Wives’, kung saan gaganap siya bilang Diana, isang doktora na magiging ikalawang asawa ni Dennis Trillo na isang muslim.

Mabuti na rin na sa showbiz career niya muna magfocus si Andrea dahil sa totoo lang, mas malayo pa ang mararating niya lalo na’t patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng kanyang home network ng meaty roles. Ang hinihintay na nga lang namin ay isang launching movie kung saan mapapatunayan niya kung kaya ba niya maging isang movie queen din. Who knows, ‘diba?