Andrea Torres nagbigay ng tips kung paano madaling maka-move on sa ex

Leo Bukas

Masaya si Andrea Torres kahit wala siyang bagong karelasyon ngayon. Si Derek Ramsay na ngayon ay girlfriend ni Ellen Adarna ang huling naging boyfriend ni Andrea.

Sa isang interbyu, hindi man direktang aminin ni Andrea pero  halatang tuluyan na nga siyang naka-move-on sa break-up  nila ng ex-boyfriend na tumagal din ng halos dalawang taon ang relasyon.

Andrea Torres

Matatandaang naghiwalay sina Andrea at Derek last year — October 2020.

Kung ire-rate din daw ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon ay masasabi niyang 8.5 ito mula sa 10 points na pinakamataas.

Sa naturang interbyu ay nagbahagi rin ng tips si Andrea kung paano mabilis na makapag-move on sa past relationship.

Aniya, “Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa ‘yo tsaka yung mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa yung sarili mo, kumbaga.”

Sa tanong sa dalaga kung handa na ba ulit siyang ma-in love, ang sagot niya ay hindi pa raw.

“Hindi pa. Usually, gusto ko pag ganito, binibigyan ko talaga ng time yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapagka dumating yung next, all out ulit,” lahad pa niya.

Inamin naman ni Andrea na may nararamdaman siyang panghihinayang na nauwi agad sa hiwalayan ang relasyon nila ni Derek.

“Meron,”  pag-amin niya.

Previous article‘Awit Sa Pandemya’ benefit concert ng PMPC suportado nina Alden Richards, Jed Madela, Christian Bautista at Kuh Ledesma
Next articleVLOG WATCH: Kylie Verzosa’s Gym Workout Routine

No posts to display