Andrea Torres, itinanggi ang pang-aahas kay Sef Cadayona

ADVERTISING

Andrea Torres, itinanggi ang pang-aahas kay Sef Cadayona

Andrea-TorresSA TUWING makakausap ng press si Andrea Torres, hindi maiiwasang ungkatin sa seksing actress ang paratang na inahas daw niya si Sef Cadayona kay Yassi Presman.

ADVERTISING

Si Andrea kasi ang sinasabing third party sa break-up nina Sef at Yassi pero kaagad itong itinanggi ng una.

Dahil lagi raw nakikitang super sweet sa isa’t isa sina Sef at Andrea sa taping ng Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7, kaya napagkamalan na si Andrea na nga ang ipinalit ng actor kay Yassi.

Magkaibigan sina Andrea at Yassi pero nagkalamat nga dahil sa paratang na inahas ni Andrea ang boyfriend ni Yassi.

ADVERTISING

Dahil dito ay kumalat ang tsismis na umiiwas na si Yassi na kausapin at makasama ang dating kaibigan na si Andrea.

“Nagulat na lang ako na ganoon na katindi pala ang isyu. Kasi wala naman akong ginagawang masama talaga. Hindi ko inahas si Sef kay Yassi.

“Si Sef nga ang nag-sorry sa akin. Pero hindi ko na siya tinanong tungkol sa kanila ni Yassi. Ayoko namang masangkot sa kanila talaga.

“Pero kung magkakasalubong kami ni Yassi, ‘di ko naman siya dededmahin. Babatiin ko pa rin siya kasi naging close din naman kami when we were a group pa sa Sunday All Stars.

“Kung cold pa rin ang treatment niya sa akin, okey lang. Basta nag-reach out ako sa kanya. At siguro naman naka-move on na siya. She’s doing very well naman sa career niya,” say ni Andrea.

Samantalang isa na namang pagsubok ang haharapin ni Andrea sa bagong telefantasya na pagbibidahan na Ang Lihim ni Annasandra, kung saan magpapakita siya ng skin na first time niyang gagawin magmula nang pasukin ang showbiz.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING