Andrea Torres at Mikael Daez hindi pala magkasundo nang magbida sa ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ remake

NAKAKAGULAT ang rebelasyon ng Legal Wives star na si Andrea Torres tungkol sa totoong relasyon nila ng unang ka-loveteam na si Mikael Daez.

For a time ay pinush ng Kapuso network ang tambalan nina Mikael Daez at Andrea Torres noon. Considered as newbies sa paggawa ng teleserye, sila ang masuwerteng napili ng GMA para magbida sa remake ng iconic teleserye na ‘Sana Ay Ikaw Na Nga‘, na unang ginampanan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia. Sa mga nakasubaybay ng original series noong 2001, ito ang nag-elevate sa status nina Dingdong at Tanya bilang big stars ng network.

Andrea Torres at Mikael Daez hindi pala magkasundo nang magbida sa 'Sana Ay Ikaw Na Nga' remake
Mikael Daez and Andrea Torres

Siguro, napansin ng GMA na may hawig si Andrea kay Tanya Garcia. Noong panahon na iyon naman ay naitambal na si Mikael Daez kay Marian Rivera sa Amaya. Nakitaan siguro ito ng potensyal bilang leading man kaya sinugalan na rin.

Marami ang kinilig sa tambalan nina Mikael at Andrea lalo na sa Sana Ay Ikaw Na Nga, kaya nakakabigla ang rebelasyon na hindi pala sila magkasundo noon!

Ito ang rebelasyon mismo ng Andrea Torres sa Kapuso Exclusives interview.

Kuwento ni Andrea, “Almost the whole show, hindi kami magkasundo talaga ni Mikael. Magkagalit kami, as in magkaaway kami,”

“Kasi nagkaroon kami ng tampuhan noong nagpo-promote kami ng show. Kasi pareho naming first show ‘yon so medyo pressured kami na mag-work ‘yung love team,”

Simula raw nang mangyari ang tampuhan na iyon ay hindi na raw nagkibuan ang dalawa behind-the-scenes. In short, professionalism na lang nila ang nagdala ng kanilang tambalan na in fairness, naitawid naman nila.

“May isa sa promos na nagkatampuhan kami na the whole time na ginawa namin halos ‘yung show ay hindi kami nagpapansinan,”

“So it was after the show na naging super close kami,” dagdag pa nito.

Andrea Torres at Mikael Daez hindi pala magkasundo nang magbida sa 'Sana Ay Ikaw Na Nga' remake
Andrea Torres and Mikael Daez

Noong kasagsagan ng tambalang Mikael at Andrea ay in a relationship na si Mikael ngayo’y asawa na niya na si Megan Young. In the past ay inamin ni Megan na nagkaroon din sila ng tampuhan ni Mikael dahil sa pagseselos nito. Siguro ay ito ang ugat ng gap sa pagitan ng magka-loveteam.

Pagkatapos ng SAINN ay nagbida pa ang dalawa sa top-rating Kapuso shows tulad ng With a Smile at Ang Lihim ni Annasandra. Nagbida rin sila sa Cambodian film na ‘Blood in Dispute’. Malakas kasi ang hatak ng tambalan nila sa nasabing bansa.

Magbabalik-tambalan pa kaya sina Mikael at Andrea soon? Habang si Mikael ay busy ngayon sa kanyang podcast at vlogs with his Miss World wifey, si Andrea naman ay bida ngayon sa Legal Wives. Guess kung sino ang first choice sa papel na kanyang ginagampanan ngayon? Yep, it’s Megan Young!