Andrea del Rosario, papasukin na rin ang pulitika

Andrea del Rosario, papasukin na rin ang pulitika

Andrea-del-RosarioPAPASUKIN NA rin pala ng sexy actress na si Andrea del Rosario ang pulitika. Anytime soon ay magpa-file na siya ng certificate of candidacy sa Comelec at tatakbong vice-mayor ng Calatagan, Batangas.

“I am seriously considering it at parang do’n na nga yata ang punta ko,” kuwento niya sa amin.

“Meron kaming properties sa Calatagan since the 60s, so in a way, you know, since I was a child do’n na rin ako… parang bakasyunan na rin namin eversince. I grew up seeing kung paano nag-improve ‘yung town namin.”

Gusto rin daw niyang gumawa at subukan ang ibang mga bagay kaya tinapos niya ang pag-aaral.

“That’s the reason why I tried to finish my college. I studied masters in Entrepreneurship sa Ateneo, that’s two-year course, ng masters.

“Kaya nga hindi rin ako active masyado sa pag-arte is because may mga inasikaso ako. I’ve been turning down soap operas, pero ‘yung ginagawa ko sa Calatagan, I don’t wanna call it paghahanda, eh, masyadong politics ‘yung term.

“It’s more of… I don’t want to fool may kababayans na papasok lang ako kung kailan campaign na. I don’t wanna do that to them,” sey pa niya.

Well, goodluck to you Andrea. Si Andrea nga pala ang kauna-unahang talent na na-discover ko long time ago. I auditioned her to That’s Entertainment, pero in the middle of her audition ay biglang tumakbo dahil sa takot at kaba. Hahaha!

La Boka
by Leo Bukas