Andrea Brillantes inamin na naging sila ni Seth Fedelin

ILANG buwan na rin pinag-uusapan sa social media ang Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes. Ang pinakalatest ay ang pag-propose sa kanya ni Ricci Rivero habang naglalaro sa UAAP.

Dahil dito ay muling inungkat ng mga maritess ang past issues na kinakabit kina Andrea, ka-loveteam na si Seth Fedelin at ang Kadenang Ginto / Huwag Kang Mangamba co-star na si Francine Diaz.

Andrea Brillantes inamin na naging sila ni Seth Fedelin
Andrea Brillantes

Early this year ay may netizen na nag-upload ng larawan ni Francine Diaz kasama ang kanyang pamilya at naroon din si Seth Fedelin. Dahil dito ay nagpost ng Tiktok video si Andrea Brillantes kung saan nakalagay ang makahulugang lyrics ng kanta ni Selena Gomez na “Lose You to Love Me”, partikular ang mga linyang: “I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it.”

Sa 10 minute IG live video ni Andrea kagabi ay inamin niya na ‘honest mistake’ ang pag-upload niya ng video.

Dahil lahat ng isyung binabato sa kanya ay sinagot niya, narito ang nasabi niya tungkol kay Seth Fedelin, na naging kasintahan niya for two years and 3 months.

Andrea Brillantes inamin na naging sila ni Seth Fedelin
Andrea Brillantes and Seth Fedelin

“I would like to say thank you kay Seth Fedelin for speaking up. Thank you, Ali, dahil kahit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinabayaan. Alam ko na these past few months ay napakahirap para sa atin, para sa ating dalawa, para sa ating lahat.

I have mad respect for you dahil kinaya mo pa rin akong ipagtanggol kahit alam ko na gustung-gusto mo na rin magsalita.

Pinili ko na lang ho sana manahimik at lunukin ang lahat ng mga binabatong salita sa akin ng lahat ng tao.

Pero, kasi, here I am, at my happiest moment at marami pa rin pong nadadamay at nababalik na mga pangalan kahit hindi naman na po dapat. Mas lalo pang dumadami ang mga fake news.

‘Di ko na po pahahabain pa, kaya here is my side of the truth, and I hope you would all listen or at least give me a chance to explain. I would like to address each issue one by one, so please bear with me.

We broke up last year. Early October ‘yun. It was a painful breakup, but it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin. We both loved each other truly and deeply. We learned so much from each other, but in the end, we realized na we weren’t growing as individuals na.

We ended on good terms, at iyon naman ang importante.

Napag-usapan din namin… We promised each other na magpapatuloy pa rin kami sa work namin. We love each other as friends and we also like the company of each other as actors. At gusto namin matupad ‘yung pinag-usapan namin two years ago tungkol sa mga pangarap namin.

Nirirespeto ko si Seth Fedelin at nirirespeto ko ‘yung love team namin, at mahal na mahal namin ‘yung fans namin.” paglilinaw ni Andrea.

Previous articleVLOG WATCH: Day In A Life of Maja Salvador as a Talent/Manager in Eat Bulaga
Next articleAndrea Brillantes kinilig sa proposal ni Ricci Rivero: ‘Grabe naman yon Lord!’