Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw munang makatrabaho ang isa’t isa?

BIDA sa musical digital series na ‘Lyric and Beat‘ sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Sa mga hindi updated sa real life ganaps ng dalawa, inamin na nila na naging magkasintahan sila for two years at naghiwalay noong late 2021. Ngayon ay karelasyon na ni Andrea ang basketbolistang si Ricci Rivero.

Naging vocal naman ang dalawang teen stars nang tanungin ng press tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang co-workers.

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw munang makatrabaho ang isa't isa?
Seth Fedelin and Andrea Brillantes

Para kay Andrea, hindi na raw muna sila makikita ni Seth na magkasama sa upcoming projects dahil na rin sa nangyari sa kanilang relasyon na pati ang fans nila ay damay na.

“I think it’s too complicated as of the moment. Kasi, for me, hindi lang naman kami yung nasaktan pati po yung mga fans namin. Yung parang naging dodgeball na rin. Ano papaniwalaan. Ano kakapitan,” pag-amin ni dalaga.

Ayon din kay Andrea, baka hindi rin maganda na i-push pa ang ‘SethDrea’ lalo na’t pinupush na ngayon ng management na itambal si Seth kay Francine Diaz, na mapapanood soon sa ‘Dirty Linen’. Baka malito lang daw ang fans sa papalit-palit na loveteam.

“Lalo na po ngayon na mayroon ng ‘FranSeth’ parang I don’t know if magiging healthy pa po yung relationship ng Gold Squad, ng Squadmates, ng FranSeth, ng Francine fans, ng fans niya, fans ko, kung nagpapalit-palitan kami,” paliwanag ng dalaga.

Factor din ang kinasangkutan na gulo ng dalawa noong early 2022 kaya mahirap nang ibalik ang SethDrea.

“Sobrang napakagulo po talaga lalo na nung January. Sobrang gulo. Ako po kasi, I take care of my fans very much. I love them. Ramdam na ramdam ko po yung stress. And ako din minsan naiiyak for them,” kuwento ng aktres.

Sambit naman ni Seth, “Iniisip namin yung nararamdaman nila. Hindi naman ibigsabihin hindi na kami magtatrabaho at bawal na bawal na talaga. Hindi sa ganun. Mas iniisip lang namin yung napapanahon, yung akma sa nangyayari.”

Gayunpaman, hindi naman sinasara ng dalawa ang pintuan sa posibilidad na sila ay magkasama muli sa isang proyekto in the future.

“Pag malalaki na kami, siguro may gawin kaming project na hindi man as SethDrea pero magkasama kami dun sa isang project,” saad ng aktor. “Sa ngayon, mas kailangan muna i-prioritize kung ano yung akma sa panahon.”

Kasama rin sa ‘Lyric & Beat’ sina Darren Espanto, AC Bonifacio at Kyle Echarri.

Previous articleTop 5 Best Resorts in Puerto Princesa, Palawan
Next articleRose Van Ginkel at Marco Gallo, pinatunayan ang pagiging aktor sa ‘Kitty K7’