Andre Yllana, seseryosohin na ang showbiz

Leo Bukas

HANDA NA si Andre Yllana, anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na magbalik-showbiz. Ani Andre, seryoso na talaga siya ngayon at katatapos lang pumirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA).

Ang dahilan ni Andre kung bakit urong-sulong siya sa showbiz ay dahil sa kanyang pag-aaral. Kumukuha ng kursong Automotive Mechanic si Andre sa Don Bosco Techinical Institure at malapit na siyang magtapos.

Andre Yllana, seseryosohin na ang showbiz
Andre Yllana

Sa tanong namin kay Andre sa ginanap na virtual presscon ng Viva kung handang-handa na ba siya this time sa kanyang papasukin, ani Andre, oo naman daw.

“Handang-handa na po ako kasi patapos na rin po kasi ako sa pag-aaral po, eh. Yosn po ang naging hadlang dati po. Nahihirapan po ako pagsabayin.

“Pa-graduate na rin po ako ngayon, OJT na lang po kaya sure na sure na po tayo ngayon,” paniniguro pa ng 22-year-old na binata.

Nang tanungin namin si Andre kung kumusta naman ang relasyon nila ng daddy niyang si Jomari ay okey naman daw ito.

“Mas okey po ang relationship namin ngayon than before,” matipid niyang reaksyon.

Sa sunod naming tanong kung aware ba siya sa isyu sa daddy niya at sa dating live-in partner nito na si Joy na napabalita kamakailan lang ay umiwas magbigay ng komento si Andre.

Aniya, “Wala po akong say diyan. Kasi siyempre po, respeto na rin po sa mga kapatid ko, pati kay Tita rin po dahil we’re in good terms naman din po. So I just refuse to answer that question po.”

Handa na rin ba siya sa sandamakmak na intrigang haharapin niya sa showbiz?

“Throughout the years po, hindi po maiiwasan yung questions tungkol kay Mom pati kay Daddy. Siyempre, yung issues ng both parties minsan tinatanong din po ako.

“So, kumbaga, growing up, talagang nasanay na rin po ako dahil hindi na po nawala yung mga questions na ganoon,” tugon ni Andre.

Andre Yllana, seseryosohin na ang showbiz
Andre Yllana

Samantala, umaasa ang binata na katulad ng kanyang mga magulang ay makagawa rin siya ng sariling pangalan sa showbiz balang araw.

“Yon ang isa ko pong goal din, makapagtayo ng sarili ko pong name na hindi lang po anak ni Aiko at anak po ni Jomari. In the future po sana, makapagtayo po ako ng sarili kong name, makikilala po ako as Andre Yllana,” lahad pa niya.

Wish naman ng kanyang inang si Aiko na magtuluy-tuloy na ang showbiz career ni Andre ngayong nasa Viva na ito.

“Sana this time, tuluy-tuloy na si Andre sa kanyang showbiz career,” pahayag niya.