Andre Paras & Barbie Forteza When Teen Romance Blooms..

ADVERTISING

Andre-Paras-Barbie-FortezaBARBIE FORTEZA
Real Name: Barbara Ambas Forteza
Birth Date: July 31, 1997
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Element: Fire
Basic Trait: I Will
Closest Metal: Gold
Lucky Day: Sunday

ANDRE PARAS
Real Name: Andre Alonzo Paras
Birth Date: May 15, 1995
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

ADVERTISING

SI BARBIE Forteza ang isa sa pambato ng Siyete sa teen genre. Noong umpisa’y kay Joshua Dionisio siya ipinares. Later on ay kay Kristoffer Martin at eventually ay kay Derrick Monasterio na ito ini-loveteam kaya nabuo ang ‘DerBie’.

Sa pagbabalik ni Barbie Forteza sa GMA Afternoon Prime block ay bait-baitan na naman ang role nito. Katunggali niya si Thea Tolentino sa ‘The Half Sisters’. Pasok pa rin si Derrick Monasterio sa cast, pero may isa pang lalaki na nagpapakilig sa viewers ngayon – si Andre Paras!

Awkward mang tingnan ang height difference nila, masasabi pa rin natin na may kilig factor ang ‘AnDie’ tandem. Parehong walang dyowa, is there a chance for teen romance to bloom between the two cuties?

ADVERTISING

Ang Taurean at Leo ay parehong determinadong makamit ang kanilang minimithi sa buhay. Hindi rin sila padaluos-dalos sa pagbibitiw ng desisyon. Ang kanilang drive to succeed ang kaakit-akit sa kanila, ngunit may pagkakasalungat sila pagdating sa diskarte. Very vocal and friendly ang Leo sa mga tao, samantalang may pagka-reserved naman ang Toro. Magkaiba rin sila ng treatment kung datung ang pinag-uusapan.

Meron man silang pagkakaiba sa ugali at pananaw sa buhay, ang commitment naman nila sa relasyon ay hindi basta matitinag. Kailangan lang nilang unawain ang isa’t isa at pag-usapan nang mabuti ang mga problemang kahaharapin. Parehong stubborn ang dalawang zodiac, pero swak na swak ang kanilang samahan lalo na kung romansahan na ang pag-uusapan.

Sa totoo lang, malaki ang tsansa na mag-work ang relasyon sa pagitan ng lalaking Taurus at babaeng Leo. Dapat lang ay marunong silang mag-compromise at flexible sila sa pagresolba ng mga isyu. Makatutulong sa pag-boost ng ego ng Leo kung hahayaan ito ng Taurus na mag-take control, pero hindi aabot sa puntong sukdulan! Ang pagiging likas na romantic naman ng Leo ang magpapakilig nang bonggang-bongga sa tigasing Toro.

Hmmm… mukhang p’wedeng-p’wede naman pala talaga sana sina Andre at Barbie, eh! Now we know why Barbie’s team-up with the other cuties didn’t last long…. it’s because she’s meant for someone else! Uyyy!

Pares-Pares

By Madam DaminAndre Paras & Barbie Forteza When Teen Romance Blooms..

ADVERTISING