Andre at Kobe Paras, bine-brainwash ng ama at stepmother para kamuhian ang sariling ina?!

ADVERTISING

Andre at Kobe Paras, bine-brainwash ng ama at stepmother para kamuhian ang sariling ina?!

Andre at Kobe Paras, bine-brainwash ng ama at stepmother para kamuhian ang sariling ina?!HINDI KO gusto ang sagot ng magkapatid na André at Kobe Paras tungkol sa kagustuhan ng ina nila na si Jackie Forster na makita sila at makausap.

May amnesia ba ang dalawa para makalimutan nila ang masasayang pinagsamahan nilang mag-ina? Ganu’n ba kasama ang ina nila para sabihin nilang makikita lang nila ito at their own terms. “When we are ready!” sambit ng magkapatid.

Sa murang isip nila noong magkahiwalay ang ina nila at ama na si Benjie Paras, iisa lang ang konklusyon ko, binulungan ng masamang kaluluwa ang mga bata para kamuhian nila ang ina.

Recently, sina Andre at Kobe pumirma ng management contract sa Viva Artist Management na magha-handle ng kanilang mga endorsement at TV commercial offers. Pero ang mga Pilipino na maka-ina, hindi sang-ayon sa pagsawalang bahala ng mga anak sa tunay ilang ina no matter what. Gusto nilang burahin ang ina sa kanilang ala-ala.

ADVERTISING

Hindi sila magandang ehemplo sa kabataan. Bad vibes ang kanilang pag-uugali at pangit tularan ng mga bata. As endorser, you should have a positive image. Ang dalawang engot, nagpadala sa brainwashing ng stepmother nila at ama.

Ikaw naman Benjie, pagsabihan mo ang mga binata mo. Ang alam ko, hindi ka rin perfect noong nagsasama pa kayo ni Jackie.

Balita ko kinarir ka raw ng dating tutor (sa isang Greenhills Tutorial School) ng mga bata noon na ngayon ay misis mo na si Lyxen. Na kung hindi ako nagkakamali, schoolmate mo sa UP noon na dead na dead sa ‘yo na naudlot lang ang kasal sa kanyang mapapangasawa dahil sumingit ka at nagkatuluyan kayong dalawa.

‘Di nga ba’t may tsismis na karelasyon mo nga noon ang co-star n’yo ni Raymart Santiago sa sitcom n’yo noon sa GMA-7?

Baka si Benjie at si Lyxen ay super perfect sa paningin ng mga binata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING