Andi Salvacion nagpasalamat sa kanyang PBB experience

GRATEFUL ang Pinoy Big Brother 10: Kumunity big winner na si Anji Salvacion dahil sa life-changing opportunity and experience na kanyang naranasan sa pagsali sa nasabing reality TV show.

Andi Salvacion nagpasalamat sa kanyang PBB experience
Anji Salvacion with Pinoy Big Brother 10: Kumunity Big 5

Sa Instagram ay nagpahayag ng kanyang pagkagalak ang dalaga. “Maraming maraming salamat Kuya for giving me the chance to be one of your housemates, salamat po sa lahat ng mga parangal at payo niyo po, I will forever live my life with all of this learnings,” sambit nito.

“Maraming salamat po sa lahat ng PBB staff/crew for always being there for us and for always making sure we are all okay and for taking care of us, thank you all so much for being a part of the long walk of mine.”

May mensahe rin siya sa mga kapwa housemates niya. “Marami akong natutunan sa inyong lahat I’m thankful and grateful I learned a lot of things from you, to valuing relationships, friendships and giving more meaning to what really the word family means.”

Hindi rin nakalimutan pasalamatan ng dalaga ang kanyang mga bosses sa ABS-CBN at ang kanyang mga loyal fans na sumuporta sa kanyang PBB journey.

“Thank [you] sa lahat ng sunshines na inilaban nyo ako hanggang sa dulo you guys are always there for me.”

Tinalo ni Anji Salvacion ang apat na competitors na mula sa tatlong iba’t ibang “kumunities”.

Nakuha ni Anji ang 40.42 percent ng combined votes to save and evict. Iuuwi din niya ang PHP 2 Million.

Ang Adult housemate na si Isabel Laohoo ay nakakuha ng  18.20 percent at tinanghal na runner-up at nanalo ng P500,000, habang si Samantha Bernardo (16.28 percent) ang third big placer at maguuwi ng P300,000.

Rob Blackburn (4.01 percent) ang fourth big placer na mag-uuwi ng P200,000, habang si  Brenda Mage (1.91 percent) ang tinanghal na fifth big placer at maguuwi ng P100,000.

Congratulations to Anji and the rest of the winners!

Previous articleVLOG WATCH: The Making of Artikulo 247 – Funny and Wild Kris Bernal strikes!
Next articleLiza Soberano ipinaliwanag ang pangarap na makapasok sa Hollywood