Andi Eigenmann, shows rudeness in front of a general’s wife?!

ADVERTISING

Andi Eigenmann, shows rudeness in front of a general’s wife?!

Andi Eigenmann, shows rudeness in front of a general’s wife?!KALOKA ITONG SI Andi Eigenmann. Nagmaldita na naman daw kasi ito at walang takot na nagpakita ng kanyang kalokahan sa harap pa man din ng asawa ng isang general.

ADVERTISING

Nagte-taping sina Andi at cast ng Minsan Lang Kita Iibigin sa Camp Crame. Siyempre, may ilang fan na nagpapa-picture at nagpapa-autograph. May isa na asawa ng general ang gustong magpakuha ng picture sa dalaga. Pumayag naman daw ang hitad.

Pero nang kukunan na sila, biglang ibinaling ni Andi ang kanyang mukha sa kaliwang bahagi kaya hindi kita ang kanyang face. Nakita ng staff ang kanyang ginawa kaya naman pinagsabihan si Andi na ma-kisama naman at sila lang ang nakikisuyo roon.

Ano nga naman ba ‘yung isang picture-taking bilang pakikisama.

ADVERTISING

 

TOTOO PALA ANG away nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Isang source ang nagsabi sa amin na pinagbabati na pala ang dalawa ng GMA pero walang nangyari. Masyadong matindi ang sama ng loob ng isa’t isa kaya naman hindi pa possible na magkabati sila sa ngayon.

Nag-usap pala sina Lovi Poe at Heart at feeling ng huli ay siya ang pinatutungkulan ni Marian nang sabihin daw nito sa dalaga na may mga taong plastik sa showbiz. Napaiyak daw si Heart dito.

Nagsumbong pala si Heart sa kanyang madir at nang magbalik na sila sa Manila matapos ang shooting sa Vigan, sinundo siya nito kasama ang walong bodyguards.

Tinalakan si Marian ng madir ni Heart at cry to death ang dyowa ni Dingdong.

Ang latest, para hindi na muling magsalubong ang landas nila ni Marian ay hindi raw magpo-promote ng kanilang movie si Heart. Fly raw ito sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Ang hindi alam ni Heart, pinaglaban siya ni Marian sa movie nila. Actually, inayawan na ni Heart ang unang role na inalok sa kanya kaya nagpalit sila ni Lovi. Gustung-gusto ni Marian na makasama siya sa pelikula, pero ayun pa ang kanyang napala. Kawawang Marian.

Napagkamalan pala si Arci Muñoz na si Miley Cyrus noong mag-concert ito last week.

“Hinabol ako. Tapos si Tita Annabelle tumawag. ‘‘Day, ano’ng nangyari sa ‘yo? Dinumog ka raw kagabi. Okay ka lang?’” tsika ni Arci sa taping ng Hey! Hey! It’s Saberdey, ang bagong show ng TV5 tuwing Sabado.

Hindi ba siya na-offend?

“Hello. Masaya kaya. Natawa ako tapos nagtago ako sa isang restaurant kasi sila lang ‘yung bukas. Tapos nandu’n ‘yung fans. Grabe, naloka ako. Nakakatuwa.

“Kaya siguro ako napagkamalan dahil sa buhok dahil di ba ‘yung buhok ni Miley, parang gulo-gulo tapos blonde. Natuwa ako. Na-enjoy ko naman.”

Baka naman um-outfit siya ng mala-Miley Cyrus kaya siya napagkamalang si Miley?

“Medyo kasi galing ako sa pictorial kay Raymond Gutierrez. So nakaayos ako tapos diretso na ako ng concert.”

Sa bago niyang show, nabigyan ng pagkakataon si Arci na kumanta at sumayaw. Sabi ng dalaga, wala namang pressure sa kanya ang maging bahagi ng show kahit na ang katapat nila ay ang top-rating na Showtime.

“Hindi naman kami nakikipag-compete sa Showtime. This is not a popularity contest. Basta kami we know that we’re doing our best, we’re doing our job and nag-e-enjoy kami. That’s what matters most. ‘Yun ang importante,” esplika ng dalaga.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING