Andi Eigenmann, pinakasaktan sa break-up nila ni Jake Ejercito

ADVERTISING

Andi Eigenmann, pinakasaktan sa break-up nila ni Jake Ejercito

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Masyado palang dinibdib ni Andi Eigenmann ang break-up nila ni Jake Ejercito. Ayon kay Andi Eigenamnn nang makausap namin siya sa presscon ng Camp Sawi, ‘yung paghihiwalay daw nila ni Jake ang pinakamasakit na naranasan niya.

“Pinakamasakit po ’yon. Siyempre po,”  sambit niya.

Nahirapan din daw siyang makapag-move-on dahil sa nangyari. Pakiramdam daw niya noon ay wala nang kuwenta ang kanyang buhay nu’ng natapos ang relasyon nila ni Jake.

“Because for a long time, everything that you wanted to do or achieve in life had him as a big part of it. And then, taking him out of the situation, it was after the phase of heartbroken and I felt like life had no meaning anymore because he’s gone.”

ADVERTISING

Ngayon ay okey na raw siya at naka-move on na ring tuluyan.

“After I got out of that phase, it was more about giving myself this opportunity to find myself, to be able to know who I truly am and what I’ve lacked in myself when I was blinded by that love.

“And so now, getting out of the relationship, now I know that the number one thing that I have to keep is who I am as a person and who I want to become,” sabi pa ng aktres.

Kasama ni Andi sa Camp Sawi sina Bela Padilla, Kim Molina, Arci Muñoz, at Yassi Pressman. Showing na ang pelikula sa Aug. 24.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING