Andi Eigenmann, pinagsabay sina Jake Ejercito at Albie Casiño?!

ADVERTISING

Andi Eigenmann, pinagsabay sina Jake Ejercito at Albie Casiño?!

Andi Eigenmann, pinagsabay sina Jake Ejercito at Albie Casiño?!DUMATING NA ang grupo ng Eat Bulaga galing London, nakapagdala pa tuloy sila ng istorya dahil sa na-interview  ng  ilang reporters doon si Jake Ejercito na muling umi-0ngay dahil sa pagpapa-interview ng mag-inang  Jacyln Jose at Andi Eigenmann tungkol sa break-up nitong huli kay Jake.

Lumalabas kasing kontra raw ang magulang ni Jake na sina Papa Erap at Laarni Enriquez dito kay Andi.

Hindi nagsasalita si Laarni pero kapag kausap naman ito ng mga kaibigan niyang reporters, itinatanggi niya ito dahil wala raw ganu’n.

Anyway, break na nga sina Jake at Andi, pero nu’ng magsalita ang binata nang nakausap ito ng ilang reporters sa London, lumabas tuloy na pinagsabay ni Andi sina Jake at Albie Casiño.

ADVERTISING

Hindi maganda ang kinalabasan nito kay Andi, na tuloy parang may point din pala si Albie.

Sabi naman ni Andi, hindi importante sa kanya kung aakuin ni Albie ang baby nito, dahil kaya naman nitong palakihin ang kanyang anak.

Kaya lang dahil sa gulong ito, parang nakakaawa naman ang bata at siyempre paglaki niyan magtatanong na ‘yan kung ano.

Lumaki lang kasi uli ito nang magsalita sina Jacklyn at Andi. Sana tumahimik na lang sila at inayos na lang in private.

Kahit sabihin pang kinalkal sila ng mga reporters sa ganu’ng isyu, puwede namang magpaka-safe ng sagot.

Tama rin naman si Mark Gil nu’ng nakausap ito sa Pahiram ng Sandali. Mas mabuting tahimik na lang at ang mga ganu’ng pribadong isyu, gawing private na lang.

Abangan n’yo sa Startalk ang interview kay Jake at ewan ko kung may sagot pa diyan sina Jaclyn.

Abangan na lang natin.

Andi Eigenmann, pinagsabay sina Jake Ejercito at Albie Casiño?!

SA LUNES na pala magsisimula ang Pahiram ng Sandali nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de Leon at Max Collins.

Ang ganda ng teaser na ipinalabas sa GMA kaya ang laki ng expectations dito ng lahat at talagang aabangan nga ito.

Si Lorna ang pinaka-pressured sa lahat dahil mas inaabangan itong love affair nilang dalawa ni Dingdong.

Iniintriga nga ng mga reporters kung may kilig ba sila ni Dingdong, siyempre wala namang ganu’n dahil baka mag-react naman ang Marian Rivera, ‘di ba?

Huhusgahan din dito si Max Collins kung may karapatan ba siyang maging bida na ipinalit kay Kylie Padilla.

May ilang panlalait na nakarating, kaya mala-king challenge ito kay Max.

Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING