Andi Eigenmann, pinagmumukhang kawawa ang sarili

ADVERTISING

Andi Eigenmann, pinagmumukhang kawawa ang sarili

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Sa totoo lang, naghihinayang ako personally kay Andi Eigenmann.

Bukod kasi sa magaling siya na artista, ang basa ko sa mga pinagkikilos at pinagsasabi niya tungkol kay Jake Ejercito ay tila hindi pa talaga nakamu-move on ito sa pakikipagrelasyon niya sa anak ni Manila Mayor Erap Estrada at dating artista na si Laarni Enriquez.

Nakailangang beses na ba silang nag-break? Mabibilang mo ba kung ilang beses na rin silang nagkabalikan?

Pero sa Twitter war nilang dalawa ni Jake kamakailan na umabot pa sa sisihan, tila malala na nga ang isyu na namamagitan sa dalawa.

ADVERTISING

Actually, swak na swak kay Andi Eigenmann ang current hugot niya kay Jake Ejercito. Swak tulad ng karakter niya sa bagong pelikula niyang “Camp Sawi” ng Viva Films at N2 na nagsimula nang ipalabas nationwide simula ngayong araw na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

Sa isyu nina Andi at Jake, kapag si Andi na kasi ang nagsasalita, asahan mo pang-banner title, pero in the end, siya pa rin ang kawawa.

Sabi ng ilang taga-showbiz, kaya raw isang magaling na artista si Andi dahil ang daming isyu niya sa buhay na maging siya ay hindi niya alam kung papaano iresolba. In short, marami rin siyang mga hugot na siya mismo, ‘di alam kung paano diskartehan.

Sa current battle nila ni Jake ngayon, siya pa rin ang talo. Opinyon ng karamihan, super in love pa rin siya sa binata na from an insider info na nakuha naming, ayaw raw sa kanya ng ina ni Jake na kaya lang nandyan ang binata sa buhay niya (na panaka-naka at hindi nga consistent) ay ang turing sa kanya ay one of those girls lang.

Sa totoo lang, naging hot publicity spin ng Viva ang deklarasyon ni Andi at ang naging sagot ni Jake para pagpistahan ng press.

At last Tuesday evening premiere of “Camp Sawi” sa SM Megamall nagkangitian na sina Andi at ang dating karelasyon niyang si Albie Casiño na ang akala ng aktres ay galit sa kanya ang hunky na binata after masabit si Albie sa pahulaan kung sino ang ama ng anak ni Andi na noon ay “pinagpipilian” between Jake at Albie, na in the end ay hindi talaga naresolba.

Kawawang Andi.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING