Andi Eigenmann, nilinaw kung sino ang ama ng anak

ADVERTISING

Andi Eigenmann, nilinaw kung sino ang ama ng anak

Andi-EigenmannPARANG UNTI-UNTI nang nalilinawan kung sino talaga ang totoong tatay ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Sa huling interbyu kasi namin kay Andi, parang inamin na rin niya ang tungkol dito.

“When I was pregnant, Jake was there for me. He took care of us, so he’s the father. That’s my point lang. But I think because I say that, people think na parang iba-iba ‘yung sagot ko.

“And sinasabi ko nga, si Jake nga ang father. I hope you don’t twist my words in anyway, pero ‘yon nga, si Jake ‘yung nandiyan since the beginning and he loves my daughter like his own and so he’s the father. I mean, it’s as simple as that,” paliwanag niya.

May mensahe naman si Andi sa ex-boyfriend na si Albie Casiño?

ADVERTISING

“I know that you’re not the father, stop it, get over it. You’re not the father, there’s no issue here. Wala naman akong sinasabing siya, eh,” she said.

“Oo, siya ‘yung tinuturo, pero okey na yung sinabi mo once na ‘it’s not me,” sabi ulit ni Andi.

May balak ba siyang pormal na sabihin sa publiko na si Jake talaga ang father ng anak?

“Why is it important? It’s none of anybody’s business, but mine and my family,” reaksyon niya.

Bida nga pala si Andi sa remake ng Angela Markado na unang ginawa noon ni Hilda Koronel under the direction of Lino Brocka. This year, ang sumulat ng nobela na si Direk Carlo J. Caparas ang siya na ring director ng Angela Markado na showing na sa Dec. 2.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING