Andi Eigenmann, nagpapaligaw na kay Bret Jackson

Andi Eigenmann, nagpapaligaw na kay Bret Jackson

Andi-Eigenmann-Bret-JacksonKAHIT MAY Bret Jackson ngayon si Andi Eigenmann, nandu’n pa rin ang kirot sa puso niya sa paghihiwalay nila ni Jake Ejercito. Pilit nitong kinakalimutan ang binata dahil totoo niya itong minahal. Obvious namang may something sa kanila ni Bret dahil sa mga larawan nila sa social media. Ayon kay Andi, ini-enjoy lang nila ang isa’t isa, nothing serious going on between them.

Oo nga’t madalas makitang magkasama sina Andi at Bret sa mga gimikan, hindi raw nangangahulugan na sila na nga. Ayaw raw niyang madaliin ang mga bagay-bagay dahil natuto na ito sa kanyang past relationships. Kung anuman ‘yung friendship mayroon sila ni Bret, happy na siya. Inamin ng actress na seryosong nanliligaw sa kanya ang binata. Kung saan patungo ang kanilang closeness, hayaan raw natin ang panahon ang magtakda. It’s too early para kay Andi to have another relationship.

Gusto ni Andi na mag-focus sa kanyang career, lalo na ngayong may pelikula siyang ipalalabas, ang Tragic Theater ng Viva Films with John Estrada and Christopher de Leon under the direction of Tikoy Aguiluz.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield