Andi Eigenmann, mas intense kaysa Jaclyn Jose sabi ni Direk Carlo Caparas

ADVERTISING

Andi Eigenmann, mas intense kaysa Jaclyn Jose sabi ni Direk Carlo Caparas

1 Andi-EigemannMINSAN NANG sumalang sa directorial eye ni Direk Carlo J. Caparas ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose who played Celestina “Bubbles” Sanchez who then hogged the headlines bilang lider ng Ativan Gang.

Many years later—ngayong 2015—Direk Carlo gets to direct Jaclyn’s daughter, si Andi Eigenmann, sa kanyang comeback film na Angela Markado.

Originally played by Hilda Koronel sa Lino Brocka-megged 80s movie hango sa kanyang nobela sa komiks, inamin ni Direk Carlo na ayaw niyang gawing peg si Hilda to play in its remake. “Or else she would only suffer in comparison.”

Pero nakita raw ng direktor ang kakaibang dating kahit sa mata pa lang daw ni Andi, so intense na hindi raw niya nakita sa ina nito.

ADVERTISING

Showing on December 2, like all of Carlo J. Caparas movies ay tinatayang isa ring blockbuster movie ang Angela Markado. And angels: mark his word!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING