Andi Eigenmann, malabong pakasalan ni Jake Ejercito

ADVERTISING

Andi Eigenmann, malabong pakasalan ni Jake Ejercito

Andi-EigenmannKUMBAGA, SALA sa init, sala sa lamig ang relasyon nina Andi Eigenman at anak ni Manila Mayor Joseph Estrada na si Jake Ejercito. Ilang taon na ring sinubaybayan ng madlang pipol ang relasyon nila.

Sa bawat awayan ng dalawa, pinag-uusapan sa social media lalo pa’t si Andi, isa’t kaahating emotera. Habang si Jake, the typical lalaki na less talk, less mistake ang attitude at paniniwala ay nairaraos din ang iskandalo ng buhay niya mula nang makilala siya ng sambayan at tumambad ang litrato niya bilang boyfriend ni Andi.

Nakatutuwa nga at maging ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose, deadma na rin sa sala sa init, sala sa lamig na relasyon ng kanyang anak. Maging siya, hindi na nagugulat kung bukas makalawa’y okey sila ni Jake, masaya and enjoying each other’s company at pagkagising niya ay split na naman ang dalawa.

Hindi na siniseryoso ni Jaclyn ang pakikipagrelasyon ng anak sa binata na sa unang tingin mo pa lang, itsurang male organ na ang peg at tipong pang-Playgirl centerspread ang itsura dahil napakalakas naman ng sex appeal ng binata.

ADVERTISING

Naalala ko tuloy ang kakarter ni Andi sa fantaseryeng Dyesebel na in love na in love siya kay Fredo played by Gerald Anderson na gagawin niya ang lahat para mahalin lang siya ng lalaki

Pero may nakapagsabi sa amin, ang ina diumao ni Jake na si Laarni Eriquez ay hindi boto kay Andi para sa kanyang anak.

Pinagbibigyan lang diumano ng ina ni Jake ang sarili para mag-enjoy ang binata sa company ni Andi while his son is very much single at walang ibang commitment.

“But Andi is not the girl na magugustuhan ni Laarni,” bulong sa amin ng isang kakilala.

Kapag nag-kontrabida si Laarni, siya ang magmumuhkang “nega” sa mata ng mga fans ni Andi. Basta daw no pressure. I-enjoy lang ng dalawa ang dating at ang buhay nila total ma bata pa sila but do not expect na mauuwi sa “ kasalan” ang relasyon ng dalawa dahil ang ina mismo ng binata ang unang kokontra.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING