Andi Eigenmann, kinikilig kay Jake Ejercito!!!

ADVERTISING

Andi Eigenmann, kinikilig kay Jake Ejercito!!!

Andi Eigenmann, kinikilig kay Jake Ejercito!!!IBANG LEVEL na talaga si Andi Eigenmann, dahil pati ramp modelling ay pinasok na rin nito. Last Friday, October 27, nasaksihan namin si Andi sa pagrampa nito sa Lee Fashion show kaugnay pa rin sa Philippine Fashion week at voila, kering-keri nito ang pagrampa, huh!

ADVERTISING

After the show, nakapanayam namin ito at parang kinilig siya nang ma-mention namin si Jake Ejercito, anak ng dating Pangulong Joseph Estrada. Kamakailan kasi sa isang interview ay nagpahayag si Jake na special sa kanya ang Kapamil-ya star.

Say pa niya, “We’re good friends, we keep in touch pero, hindi po kami nagpipilit ng mga bagay na hindi naman puwede.”

Dagdag pa ni Andi, es-pesyal din para sa kanya ang London-based na si Jake (du’n kasi ito nag-aral ngayon).

ADVERTISING

Wika niya, “He’s really special to me po also, pero para sa ‘kin if we’re meant to be then we’re meant to be. Then para sa ‘kin, seryoso na, if ever the time comes na I’ll end up with a guy like him. It just means na si God won’t really let me down and ipagpapatuloy niya pati ‘yung dream ko of being a princess because he’s a prince.”

Grabe talagang magpakawala ng mga quotable quotes itong si Andi.

 

ISA RIN sa mga namataan namin sa Lee fashion show ay ang beauty queen na si Shamcey Supsup, kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Lloyd Lee. Sweet na sweet ang dalawa huh, at ang guwapo pa nitong si Lloyd.

Tinanong namin siya kung totoo ba ang tsikang malapit na silang ikasal. Sagot nito, “Lahat naman tayo, ‘di ba, gustong magpakasal? Pero ‘yung date wala pa but we’re planning.”

Napansin din namin ang diamond ring na suot-suot nito at confirmed nga na nag-porpose na ang boyfriend niya. Aniya, “Hindi naman formal proposal, it’s more of like promising to be together. We haven’t really had a formal engagement, so wala pa.”

Nasorpresa ba siya nang magsabi ang boyfriend na gusto na nitong magpakasal sila? Sagot niya, “Hindi naman siya surprise kasi parang we’ve always talked about it, so parang we knew it will come to that, so it was expected.”

Totoo rin kayang next year na sila lalagay sa tahimik? Paliwanag ni Shamcey, “Ayoko namang magsabi ng date tapos hindi matuloy, ‘di ba? Mas mahirap ‘yun, kapag sure na sure na.”

Good luck na lang sa inyong dalawa!

 

MAY ILANG buwan na ring hiwalay si Nadine Samonte sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua at sa ngayon ay happy na naman daw siya.

Sa report ng Ang Latest ng TV5 last Monday, October 16, inamin ni Nadine na may mga manliligaw na rin siya sa ngayon. Kuwento niya, “May mga nanliligaw na… oo, happy naman ako…”

Bakit kaya sinasabi niya na happy siya being single? Paliwanag niya, “Mas mae-explore mo na lahat, mas nag-e-enjoy ka. You have your own decisions na hindi mo na kailangang magtanong sa iba. Matututo ka na sa sarili mo and happy ako, kasi parang mas malaki na, out of the box ka na.”

Sino naman kaya ang nagpapasaya sa kanya ngayon? Natatawang tugon nito, “Meron nga! Masaya lang ako ngayon, ‘yun lang.”

Sa ngayon, abala si Nadine sa guesting niya para sa Enhanted Garden ng TV5, kung saan ay kaabang-abang daw ang kanyang karakter. Busy rin siya sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang fantaserye ng Singko na Kidlat, kung saan kasama niya sina Derek Ramsay at Ritz Azul.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING