Andi Eigenmann at Jake Ejercito, greatest love ang isa’t isa

Andi Eigenmann at Jake Ejercito, greatest love ang isa’t isa

Andi-Eigenmann-Jake-EjercitoTILA TOTOO nga yata ang sinabi ni Gabby Eigenmann na para sa isa’t isa raw talaga sina Jake Ejercito at kapatid niyang si Andi Eigenmann, dahil sa loob daw ng apat na taon ay lagi raw nagbi-break ang dalawa, pero in the end ay lagi ring nagkakaayos.

Feeling din daw ni Gabby na magkakabalikan din daw sina Andi at Jake dahil greatest love daw ng dalawa ang isa’t isa.

Tila totoo ang prediction ni Gabby dahil nakitang magkasama kamakailan lang sina Andi at Jake sa Singapore with some friends at sabi ay mukhang okey na ang dalawa.

So, kung totoong mahal na mahal nila ang isa’t isa, ‘di malayong mauwi na naman sa reconciliation ang on and off relationship ng dalawa.

Ang tanong ngayon, paano na si Bret Jackson na kasama pa ni Andi na nag-celebrate ng New Year at tila patay na patay rin sa actress?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo